Charwin Villegas Point of viewButi at nakaabot kami sa may party. As usual halos mga bata ang nandito. Nasa tabi ko si Hera na bitbit yung regalo na Teddy bear. Inilibot ko ang paningin mo para hanapin si Fran, napatigil ako sa paglalakad ng may yumakap sa binti ko.
"What the—Chynna!" sabi ko at binuhat ko siya. She's wearing frozen outfit at may blonde na wig pa.
"Papa!" In one swift move, hinalikan ako sa labi na lagi naman niyang ginagawa kapag nagkikita kami sa office man o sa bahay nila.
"Happy birthday baby! We have present for you!" Nakangiti na sabi ko sa kanya na ayaw ng kumawala sa katawan ko, ang higpit ng yakap niya!
Nang lumingon ako kay Hera ay gulat naman ang expression nito.
"She kissed you, Sir?" nagtataka nitong tanong at turo sa labi ko.
"Ah, yeah ang kulit kasi, sinabihan ko na. Ginagawa parin niya," sabi ko.
"Hi?! Happy birthday Chynna?!" At iabot ng regalo Kay Chynna. Ibinaba ko na siya. Lumuhod si Hera para iabot yung Teddy bear.
"Thank you po! Kayo po ba asawa ni Papa Charwin?" agad na tanong ng bata.
"What? I'm not—" Hindi na niya natuloy ang sasabihin nito nang magsalita si Chynna.
"Papa Charwin! May mama na ako ang ganda!" Masayang sabi nito at nagtatatalon. Tatayo na sana si Hera ng yumakap si Chynna sa kanya.
"Mama Ganda! Ano po name niyo?" Tanong nito na sobrang saya at nakakahawa ang pagngiti niya.
"Mama? Pangalan? eh A-ano Hera." Nauutal na sagot nito kay Chynna. Kukunin ko na sana si Chynna sa kamay nito dahilan kabigatan din ang bata kahit ang payat nito tingnan.
"Mama Hera! Mama ko na po kayo ah! Kasama si papa Charwin!" Yumakap pa ito sa leeg ni Hera.
"Chynna, halika ako na magbubuhat sayo. Nahihirapan si mama—"
"Mama Hera! Thank you po sa gift!"
*Liss sa lips*
Okay?
***
Nasa may sala kami, kumakain na. Nag- umpisa na kasing maglaro ang ilang bata sa may garden kasama ang mga mascots at clown.
"Miss Hera! Pasensya na talaga! Sorry po talaga," halos lumuhod naman si Fran kay Hera matapos nitong makita na nakahalik si Chynna sa labi nito.
"Ayos lang po. Bata pa po si Chynna kaya naiintindihan ko." Nahihiyang paliwanag ni Hera na hanggang ngayon ay hindi parin makapaniwala.
Nakatayo kami ngayon, nakapalibot sa isang malaking mesa dahil doon nakapatong ang kulay violet na cake ni Chynna. Nagsimula ng kumanta ang lahat ng 'happy birthday' ang mga bata, ibang magulang at mga lolo at lola at kamag anak nila Fran. Masaya at puro ngiti ang makikita sa bawat labi nila pati narin si Hera ay nakangiti narin at pumapalakpak pa.
"Happyy 6th birthday Baby Chynna!" Sigaw naming lahat.
Ilang minuto lang ay biglang nagpaalam sa akin si Hera na pupunta ng Restroom. Umalis ito agad, hindi ako nakasunod kaagad dahil sumasalubong sa akin ang ilang bisita na pipila sa may harapan para makakuha ng cake para makatikim.
Lumipas ang ilang minuto ay nakapasok na ulit ako sa may bahay at hinintay si Hera sa may labas ng restroom pero inabot na ako ng limang minuto ay wala paring lumalabas.
BINABASA MO ANG
She Said Yes [COMPLETED] ✓
Fiksi UmumNagkagusto si Hera sa matalik nitong kaibigan na si Charwin na lalaki rin ang gusto. Walang perpekto at lahat ay nagbabago, hindi nito inaasahan na ang lalaking gusto nito ay itinuturing siyang prinsesa at handang magbago para sa kanya. Under Revisi...