SSY 26

26 2 0
                                    

Hera Alferez Point of view





Umalis na siya at naiwan ako, mag-isa. Napaluhod nalang ako at hinayaang kumawala ang mga luha sa mga mata ko. Kasabay ng pag-agos ng mga luha ko ay ang pag patak ng dugo sa sahig. Doon ko lang napansin na nakalapat sa sahig ang mga palad na kung saan may mga basang na piraso sa may baso kanina na itinapon ni Charwin.


Dali- dali kong iniligpit ang kalat sa sahig at nagmamadali na lumabas ng bahay, ang kaso nakita ko na nakauwi na pala si kuya Dylan at bumaba ng kotse nito.


"Hera! Asan ka pupunta? Sandali, bakit ka umiiyak?" tanong nito.


Huli na ng matagpuan ko ang  sarili na umiiyak ako. Kaagad kong pinunasan ang luha ko at itinago sa likuran ko yung mga palad ko na pulang- pula at sobrang hapdi ngayon. Hindi niya napansin pa ang pagdurugo ng mga palad ko dahil agad niyang hinawakan ang braso ko para makapasok sa loob ulit.


"Huwag na huwag kang aalis.  Ano? Susukuan mo na agad siya? Magkaka- ayos din kayo."



Pagpasok namin ay nakita namin si Charwin na nakatalikod, parang may tinitingnan sa may kusina. May hawak itong maliit na box nakulay puti, medicine kit.


"Kuya?" Tawag ni Kuya Dylan sa kanya, kaagad itong lumingon sa amin, umiwas agad ako ng tingin.


Pilit kong nilalabanan na hindi tumulong muli ang mga luha ko. Nanginginig parin ang mga palad ko sa hapdi.


"Mahirap hanapin si Hera 'pag umalis na naman siya. Wala na siyang pupuntahan pa kahit ang pamilya niya. Bakit ba pilit mo siyang tinutulak palayo?"

"Ano bang ginawa niya sa akin? Pinaalis niya rin naman ako ah? Gusto ko maramdaman niya rin ang masaktan, ang sakit ng iniiwan at binabalewala," seryoso nitong sabi na dahilan para makaramdam ako ng galit sa loob ko.


May parte sa isip ko na deserve ko ito pero may iba sa pagkatao ko na natatapakan, nasasaktan. Napayukom ako ng mga palad ko sa inis. Kinalimutan na niya ako, wala na talaga.


Tumalikod na ako sa kanila, galit na ang namumuo sa puso ko. Kailangan kong tanggapin dahil ako rin naman ang may gawa, ito ang resulta ng pag iisip ko ng hindi tama, pag puno ng galit ang nararamdaman mo.


May humawak sa braso ko at hinila ako. Si Charwin. Umakyat kaming dalawa sa may hagdan pagkatapos pumasok sa kwarto nito. Agad nitong sinara ang pinto ng pabagsak, at bitaw ng braso ko.



"Is 30 minutes enough? Sabihin mo lahat ng gusto mong sabihin."



Hindi ko mabilang kung ilang minuto na akong nakayuko, tahimik at walang ibang iniisip kundi ang makaalis dito, ang paraan para makatakas sa sakit kahit saglit. Alam ko na nakayakap parin yung sakit sa akin kahit anong takas at pag- iwas ang gawin ko.

"Ano? Mag salita ka!" Singhal niya, para akong binuhusan ng malamig na tubig sa katawan sa sobrang lamig ng boses niya.


Minabuti ko na lang na ipikit ang mga mata ko at yumuko. Hindi ko man lang magawa na ikilos ang mga paa ko para maka-alis, ramdam ko yung init sa palad ko. Yung panunuyo ng lalamunan ko dahil gusto kong sumigaw, para ilabas yung sakit sa loob ko at yung galit na nabubuo sa loob ko.


"Alam mo na? Alam mo na yung pakiramdam? Yung masaktan? Masakit diba? Ilang taon kitang hinintay. Nawala ang mga alaala mo at tinanggap ko ang mga pagbabago sayo pero bakit kailangan pa na saktan mo ako. Ang sakit Hera!"


Napahawak ako sa tenga ko dahil sa lakas ng pag singhal niya. Mabilis na ngayon ang pagtibok ng tibok ng puso ko. Hanggang sa maramdaman ko ang pagkirot ng ulo ko. Kaagad kong nakita ang mga imahe, ako may kasamang lalaki, nakaupo sa isang upuan habang kumakain, kasamang nakasakay sa isang bisikleta, masayang nagtatawanan, magka-akbay, mag kayakap at may isang magandang lugar kami nakasakay kami sa isang ferris wheel nakatitig sa isa't- isa na parang walang ibang tao sa paligid.


She Said Yes [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon