Charwin Villegas
Point of viewSa bahay na ibinili sa akin ni Dad bilang regalo sa pag-aaral ko, dito na ako tumutuloy. Mga alaala nalang ang mabubuhay dito kasama ang pamilya ko. Wala na si Dad, nasa Amerika naman sila ate Cheska dahil doon na ito nagkaroon ng asawa at kasama si mama doon para ma-alaagaan niya rin ang mga apo nito.
Gusto ko nga na dito nalang si mama para may kasama ako sa bahay pero sabi niya gusto niya muna ng apo. Dahil bumalik na ako sa totoong ako, lalaki.
Just wait, mom. Darating din tayo d'yan.
Apat ang kwarto dito, isa sa akin, amin ni Hera, kay Dylan, may especial room para kay Hera at sa magiging anak namin.
Ang bahay na pinanarap kong magiging tahanan niya para ilayo sa sakit at lungkot. Ang bahay na uulan sa loob ng sobrang pagmamahal at pag- aalaga.
Darating ang panahon, dito kami bubuo ng masaya at magandang pamilya hanggang sa dulo ng buhay namin.Kapag may mga bagay ako na nakikita, especially mga star ay bumibili ko para ilagay sa kwarto niya. Araw- araw ay naglilinis ako doon para paghandaan ang pagdating niya. Mga damit at sapatos na may stars, notebook, figurines, lampshades, paintings. All about stars.
Siya ang bituin na binigyan ng liwanag ang madilim kong buhay. Ang pag-asa ko na mabuhay at ipaglaban siya. Isang bituin na hindi takot na kumislap sa gitna ng kadiliman. Kahit na may unos at mananatiling nasa itaas pero hindi mawawala.
***
Text massages:
"Mr.Charwin Reporting." - Dylan
"Wala man good morning?" Reply ko
Nasa office ako at busy sa pagta- type ng ilang documents. May business trip ako sa Hawaii kinabukasan, kaya inaayos ko ang ilang files dito sa office.
"Kausap ko nga po pala si Vittoria, yung classmate ni Miss. Hera. Yung babaeng bestfriend niya na kasabwat natin" -Dylan
"Kasabwat mo lang 'wag mo akong idamay, Dylan."
"Hala siya oh! Ikaw kaya nag- uutos d'yan"- Dylan
"Ipag- utos ko kayang sibakin ka sa trabaho?"
"Joke lang, high blood?"- Dylan
"Ano na 'yung sasabihin mo po kase Sir?" Me
"Ay! Sorry! Ayun nga po may Valentine's ball po sila this week." -Dylan
"Oh good! Is Vittoria free today, bili tayo ng gown ni Hera ngayon."- mabilis kong reply.
"Wait Sir. di naman daw po siya maga-attend ng ball."
"What? Bakit daw?" Reply ko.
"Gastos lang daw po 'yun. Maghahanap na lang daw po siya ng trabaho sa araw na yun."-Dylan
"I see."
Dalawang oras ang lumipas ng mabasa ko text ulit si Dylan. Nagkaroon kami ng meeting sa office dahil nga aalis ako at mawawala ng tatlong araw. Alas-dos na ng mabasa ko ang mga text niya.
"Reporting Sir. Hindi niyo pipilitin si Miss. Hera na sumali sa ball nila sa school? " -Dylan
"Tara na? Binili na ba tayo?"- Dylan
"Mukhang siya lang ang hindi sasali sa class nila."- Dylan
"Charwin busy? Habang maaga pa para may time siya na mag-ayos?"- Dylan
BINABASA MO ANG
She Said Yes [COMPLETED] ✓
General FictionNagkagusto si Hera sa matalik nitong kaibigan na si Charwin na lalaki rin ang gusto. Walang perpekto at lahat ay nagbabago, hindi nito inaasahan na ang lalaking gusto nito ay itinuturing siyang prinsesa at handang magbago para sa kanya. Under Revisi...