SSY 25

31 2 0
                                    

Hera Alferez Point of view



Sa hindi malaman na dahilan ay bigla akong naiyak. Hindi ko alam pero bakit ang saya ko. Pangalan palang niya pero iba na ang dating sa akin. Kahit ilang beses ko na sabihin sa sarili ko na hindi ko siya mahal  at dapat ko na siyang kalimutan ay hindi ko magawa.



"C-char." Nauutal kong sabi.



"K-kumusta?" sabi nito sa kabilang linya. Bigla akong kinabahan sa tono ng boses niya, parang nahihirapan ito ng hindi ko maipaliwanag.



"Charwin? Teka ikaw ba 'yan? A-anong nangyari sayo?" sunod- sunod kong tanong. Pinagpapawisan na ako ng malamig sa kabang naghahari ngayon sa loob ko, parang may mali.



"H-hindi mo na sagot ang tanong ko. . ."



"Can you not!" Inis kong sabi sa kanya sa telepono. Nagmamadali akong lumabas ng building para puntahan siya.


"Asan ka? Anong ginagawa mo?!" Napahinto ako sa pagtakbo sa narinig ko.

"Sana masaya ka na. Alam ko galit ka, pero nasaktan din ako eh, may puso din ako. He ra nasasaktan ako, sobra sa mga sinabi mo. Mahal kita pero wala lang pala sa'yo. Hinihiling ko maging masaya ka sa—"


Nabitawan ko yung cellphone ko ng makarinig ako ng pag sigaw sa kabilang linya. Halos mawalan ako ng hininga sa sobrang takot na bumabalot sa akin.


Kailangan ko siyang puntahan! Umiiyak ako habang tumatakbo. Wala na akong pakialam kung pagtinginan ako ng mga tao sa paligid ko. Mabilis kong pinagbabasa ang mga text nila sa akin. Kung pwede lang na hilingin na sana panaginip lang ang lahat ng to.



Matagal din bago ako makarating sa may rooftop. Rooftop dito sa building nila Charwin. Nadatnan kong umiiyak sila Fran at Sandy. Nasa may dulo naman sila Kuya Dylan at Alvino. Nakatayo naman si Charwin sa dulo at mukhang tatalon na pababa. Nag-uunahan narin ang mga luha ko sa pag patak. Kailangan talaga mangyari ito?



Agad akong lumapit kay Charwin. Pinigilan pa ako ni Alvino baka daw mahulog ako bigla. Sa taas ba naman ng kinaroroonan namin baka durog na durog ang katawan ko kapag nahulog ako ng tuluyan. Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Charwin. Ang layo ng boses nito, hindi ko makilala, parang paos, hindi ko maipaliwanag.


Ang itim na ng gilid ng mata niya. Sobra ang pagkapayat niya. Sobrang putla narin niya. Totoo nga yung sinasabi ni Dylan, he is suffering in depression. Halos hindi na siya kumakain at panay ang inom nito ng sleeping pills para makatulog pero hindi parin umeepekto. Kasalanan ko ang lahat.



"H-hera?" Tawag nito sa akin at bahagyang ngumiti.


Umakyat ako sa kinakatayuan niya at hinawakan ang mukha niya. Hindi ko ma inisip kung gaano kataas ang parte kung saan kami nakatayo. Nanginginig pa ang kamay ko na haplusin ko ang mukha nito.  Umiwas siya na siyang kinagulat ko.


"S-Siguro kung sa kabilang buhay wala ng hahadalang sa akin para sayo. Hihintayin kita doon ah?  Pormal kitang ipakikilala  kay Papa. Gusto ko rin naman na makilala mo siya bago tayo ikasal...sa langit. Handa naman akong maghintay.  Basta alagaan mo sarili mo Hera," sabi niya na umiiyak parin tulad ko. Hindi ko kasi kaya na magsalita siya ng ganu'n at wala akong magawa kundi ang umiyak nalang.


"Stop saying that Charwin!" singhal ni Alvino sa kanya. Lalong umihip ang malamig na hangin dito, kaya lalong humigpit ang kapit ko sa kamay ni Charwin na pilit niyang binabawi na pinagtataka ko.


"Sasama ako sayo, Char. Gusto kong makasama ka—"


Napasubsob ako sa sahig at nakaramdam ng hilo. Nakita ko si Charwin na nakahiga narin sa maalikabok na sahig tulad ko pero wala na siyang malay. Basang- basa na ang mukha nito dahil sa mga luha niya. Huling narinig ko ay ang boses ni Stacy na humingi ng tawad sa pag hila sa amin ni Charwin para pigilan sa pagtalon.




She Said Yes [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon