SSY 22

40 3 0
                                    

Charwin Villegas
Point of view

Pinunasan ko ang mga luhang lumalandas ngayon sa pisngi niya. Bakit lagi ko nalang nakikita ang mukha niya naliligo sa sarili nitong maiinit na luha. Lagi ko nalang itong pinupunasan pero hindi nawawala at nauubos.

"Ibig sabihin totoo po ito, sir?" nauutal nitong tanong  at suminghot pa ng sipon na tumutulo na sa ilong niya. Inabot ko sakanya yung kumot at pahid sa ilong niya.


"Baboy ka narin gaya ni baby winher." Nakangiti kong sabi, tiningnan niya ako ng masama.


"Grabe kayo sa akin sir!" sabi niya at suminga nalang ulit doon sa may kumot.

"Alam mo ba na ayokong tawaging 'sir' kapag tayo lang?"

"Oo sir alam ko." Inis niyang sabi at nakakunot parin ang noo.


"No, sir."


"Bakit ba sir? Ang kulit niyo po. Ano gusto niyo ma'am tawag ko? Ipapapulis niyo po ba ako pag natawag ko kayong 'sir' ?"


"Hindi naman."


"Sus, arte niyo sir po? Ang gara po kasi pag 'Charwin' lang ang tawag ko sa inyo. Hindi naman po tayo close. Dito lang sa panaginip eh sir parin ang tawag ko kasi—"


"Kulang ka ba sa tulog o nasobrahan ka ng gamot na naiinom?" Hindi parin siya maka-move on na nasa realidad kami ngayon at wala sa panaginip.


"Baliw ka sir."


"Mababaliw talaga ako sayo Hera." Akmang aalis na ako sa kama pero nagbato muli siya ng mga salita na nagpatigil sa akin.


"Baliw ka rin Sir. Charwin."


"Iuntog kaya kita sa pader at ng magising ka sa panaginip na sinasabi mo no? Halika ka try natin."


"Ayoko nga maniwala sainyo."

"Lumapit ka nga rito." Mahina ngunit seryoso kong sabi.


Nakakunot pa ang noo at nakasimangot pa. Natatawa naman ako sakanya parang bata.


"Why sir?" Walang gana nitong tanong at punas sa pisngi niya na basa ng luha niya at sipon.


Lumapit din ako ng bahagya sa kanya, takang tumingin siya sa akin, kunwari ay pupunasan ko rin ang basang pisngi nito. Nahawakan ko na ang kamay niya na nasa pisngi nito, napatitig siya sa akin, sa mga mata ko. Naramdaman ko kaagad yung boltahe ng kuryente na dumaloy sa mga ugat ko sa katawan at tumatalon naman sa saya ang puso ko ngayon.


"Char?" sabi niya na ikinagulat ko na naman ulit.

Napangiti ako ng hindi ko namamalayan. Tiningnan ko siya sa mga mata nito, para akong hinihigop papasok sa sarili niya. Nanghihina ako, gusto kong hagkan at yakapin siya. Ang pakiramdam na hinding hindi ko makakalimutan at mahahanap pa sa iba dahil si Hera lang ang may-ari nito.


"In this dream you are saying. I want to live here too, to be with you. Ikaw yung babaeng papakasalan ko. I love to mary you, if you want me too. Naniniwala ka ba?" seryoso kong tanong.

Nanatiling magkaharap at magkahawak ang mga kamay namin. Idinikit ko ang noo ko sa noo niya. Bahagya siyang nagulat at ramdam na ramdam ko ang kaba nito sa puso niya.

"C-Charwin." Naramdaman ko na hinawakan nito ngayon ang kanang balikat ko, marahan kong namang hinaplos ang pisngi niya.


"Alam mo, ang kulit mo. Tawagin mo na nga lang ako Sir. Masyado akong natataranta at kinakabahan na ewan kapag tinatawag mo ako sa pangalan ko." Explain ko at bahagya naman siyang nangiti at tumawa ng marahan.


She Said Yes [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon