Chapter 1

7.1K 303 8
                                    




Nagising ako sa malakas na salpok ng tubig sa mukha ko. Kinusot ko ang mga mata ko at nagpumilit na pumiglas sa mga nakahawak sakin.

"Kailangan mong maligo."- sabi ng babaeng hindi ko kilala na nakasuot ng puting uniform.

I cough and breathe in and out.

"I can clean myself alone!"- singhal ko sa kanila.

I used my strength to push the two people who were holding my arms.

Parehas silang sumalpok sa pader. Tinignan ko naman ang babaeng nasa harapan ko na parang natakot na.

"I said, I can clean myself alone."- seryosong sabi ko at hinubad ang damit ko.

Tinalikuran ko sya at pumasok sa paliguan.

Sinalubong naman ako ng mga maiingay na nag shoshower. Literal na nasa mental na talaga ako.

May iba kasi na pinapaliguan pa. May iba naman na tawa ng tawa at nakikipaglaro sa nagpapaligo sa kanila.

Napailing ako at nagsimula ng maligo.

Lumabas lang ako nuong kuntento na ako sa linis ng katawan ko.

I sigh because no matter how many times I take a bath, the smell of blood still lingers on my skin.

"Where are my clothes?"- tanong ko sa babaeng kanina lang ay gustong magpaligo sakin.

Inabot naman nya sakin yung naka tiklop na damit. Hinablot ko iyon sa kanya at sinuot.

"Let me guess. You will throw me in my room, right?"- I asked.

Hindi naman ako nito sinagot ,bagkus ay inutusan ang dalawang lalaki na hawakan ulit ako. Hindi na ako pumalag pa at nagpatangay nalang.

Sa bawat kwartong nadadaanan namin may mga baliw na nilalabas pa ang kamay nila , o di kaya naman ay sumisigaw at kung ano ano ang sinasabi.

Huminto kami sa huling pinto. Napakunot pa ang noo ko.

"Bakit ang layo ko yata sa iba?"

Hindi ako ulit sinagot ng babae at basta nalang nila akong tinulak papasok sa kwarto.

The door closes and the sound of the lock from the outside can be heard. I rove my eyes around. Everything was painted in white.

May kama sa gitna. May bintana pero mataas at may harang din na mga bakal.

I chewed my lip and smiled before running towards the white comfy bed.

"So this is what it felt like to be held captive by foolish humans."- naiiling na sabi ko.

I wonder why I have this freaking bed? Since the day I turned, I've been unable to no longer feel the tiredness in my body. It just felt like I was always strong and always ready to go everywhere.

Napalingon ako sa pinto ng makarinig ako ng mga yabag papalapit.

I licked my lower lip and stood up.

It's time to suck some energy.

*********

Oras ng pagkain at tahimik akong nakaupo sa sulok habang pinagmamasdan ang pagkain sa harapan ko.

I frowned slowly and sighed.

Kumain na ako kanina , at ang ganitong klase ng pagkain na gawa ng tao ay hindi ko gusto.

Tumingin ako sa paligid. Ang ingay ingay talaga ng lahat. Tanaw ko din ang mga nagbabantay sa paligid.

Ultimo pag nguya nila ay naririnig ko at kahit mga talsik ng laway nila ay nakikita ko.

The Last Bloodsucker ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon