Chapter 26

1.9K 103 8
                                    


(Earlier before the attack)




Third Person POV


Muling nagbalik sa madilim na malaking bahay ang lalaking inutusan ni Riley na mag imbestiga sa Doctor.

Kampante siya na titigilan na sya nito oras na maihayag nya ang tungkol sa nasabing Doctor.

Gusto na nyang lumayo pagkatapos ng trabaho nyang ito dahil natatakot sya para sa buhay nya.

"Good evening Sir."- ang pagbati nya.

"Have a seat."

Hindi na sya nag dalawang isip pa at naupo kaagad sa couch nang marinig ang baritonong boses na iyon na nagmumula sa madilim na bahagi ng bahay.

Hindi kalaunan ay lumitaw na ito. Suot ang itim na kasuotan at may isang basong dugo na hawak sa kabilang kamay.

"What is it? I hope by this time you have very pleasant news for me."

Naupo ito sa isang one seated couch at pinag krus ang mga hita.

Pinag siklop ng lalaki ang kanyang mga kamay at bumuntong hininga.

Kinakabahan siya pero kailangan nya itong gawin para sa ikakatahimik ng buhay nya.

"Sasabihin ko ang lahat pero nais ko lamang na ipangako mo na hahayaan mo na akong makalayo at hindi na muling gagambalain pa."

The wickedly handsome guy smiled. He drank from the glass and licked his lower lip.

"I will let you live in peace only if you won't meddle with my business after this."

Napalunok siya dahil alam nya sa sarili nya na may ginawa syang sikreto. Binalaan nya ang doktora.

"Now speak. Remember, I hate bad news."- sabi ulit ng boss nya.

Kampante naman siya dahil magandang balita nga naman ang dala nya at alam nyang magugustuhan ito ng bampira.

"Sir, have you heard about the Hemlock?"

"I heard about them centuries ago; what about it?"

"I found out that the woman your stepmother has been meeting for quite some time now is the last child of the Hemlock clan."

Nilapag ni Riley ang basong hawak nya at napaahon mula sa kanyang pagkakasandal sa upuan.

"The last child?"

"Yes, her whole name is Genevieve Hemlock Corpuz."

Riley reminisced about the past, and he remembered what the elders from the Petrova clan once said when he eavesdropped on them.

"The blood of the last child of the Hemlock clan is the cure. Hundred of years will pass, and I know the Hemlock will do everything to secure their last grandchild's future by killing all of our kind."

An evil smile forms on his lips, and soon enough he's laughing so hard that the man in front of him frowns in confusion.

"Now I know why my sister can walk under the sunlight. What a clever woman! Now I also want the blood of that doctor."- he said, sounding very amused.

Muli syang tumingin sa lalaking kausap.

"Tell me more."

"Nalaman ko din na mayroon syang nobyo. Ang lahat ng ari arian ng mga ninuno nya ay iniwan na sa kanya. Pero hindi sya naglalagi sa ancestral house nila. Meron syang condo unit at duon sya naglalagi dahil mas malapit papuntang hospital na pinag tatrabahuan nya. Nalaman ko din na minsan ng nakulong sa mental na yon ang kapatid nyo, kaya marahil matagal na silang magkakilala."

The Last Bloodsucker ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon