Chapter 8

4.1K 209 23
                                    



I didn't enjoy the food I ate earlier because of the person who was waiting for me in the living area.

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko at kinapa ang bulsa ko.

"Thank God!"- I mumbled when I felt a rectangle inside my pocket.

Nilabas ko ang cellphone ko at nagtipa ng pangalan pero bago ko pa iyon matapos ay may narinig na akong mga yabag.

"Don't even think about it. Alam mo ba na kayang kaya kitang patayin ngayon mismo dyan sa kinatatayuan mo?"

Napalunok naman ako pero hindi ko pinahalata na kinabahan ako sa sinabi nya.

"If you love your life and that person you're about to call , think again, Dr. Corpuz."- dagdag pa nya at ngumiti.

I mentally cursed and slowly put the phone back in my pocket.

"What exactly do you want from me?"- may halong iritasyon na tanong ko.

She raised her hand and gestured for me to come closer to her. Hindi naman ako umalis sa pwesto ko.

"C'mon. I don't bite an obedient one."- she said and chuckled.

Sa isang iglap nasa harapan ko na sya at hawak ang braso ko. Hindi naman mahigpit pero hindi din maluwag at sa isang iglap lang din nakita ko na lamang ang sarili ko na nakatayo sa gitna ng sala habang sya ay prenteng nakaupo sa couch na para bang sya ang may ari ng bahay ko.

"Hindi ka nakakatuwa."- seryosong sabi ko.

"Hindi naman ako nagpapatawa."- pilosopong sagot nya.

"Leave my house and leave me alone. I'm saying this as a normal person, not as your doctor."

Napailing iling naman ito sa akin.

"Maupo ka. May iba akong pakay kaya ako nandito."

Nagdadalawang isip man, naupo pa din ako dahil nonsense naman kung tatakbo ako e maabutan pa din naman nya ako.

"Say whatever it is that you want, and be gone from my sight. I don't want a monster in my house,"- I said in my most serious tone.

Humagalpak naman sya ng tawa at kalaunan ay sumimangot.

"Ang ganda ko naman monster."

Hindi ako kumibo at pinanatili ang seryoso kong ekspresyon habang nakatingin sa kanya.

"Okay , una nagpunta ako dito dahil sa amoy ng dugo mo. Pangalawa , gusto ko sana na patigilin mo sila sa paghahanap sa akin. Tell all your colleagues that I am sane and not insane so that I could live a normal life again."

"Inuutusan mo talaga ako?"- salubong ang kilay na tanong ko.

"Yes. And you will do it if you want your so called boyfriend to live."

Kumuyom ang mga kamay ko at masama ang tingin sa kanya.

"Don't you dare touch him!"- I warned.

Isang ngiti lang ang sinagot nya sa akin at tumayo na.

"Babalik ulit ako dito. So, friends?"

Friends?

Is she kidding me?!

"I bet no, alright, bye for now."

And with that, she just suddenly vanished from my sight. Mag isa nalang ulit ako sa loob ng bahay.

Napahawak ako sa dibdib ko at napabuntong hininga. Kanina pa ako kinakabahan at nanginginig.



The next day.



The Last Bloodsucker ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon