Chapter 9

2.8K 171 13
                                    




"What have you done? Are you out of your mind?"- hindi makapaniwalang tanong ni Paul ng sabihin ko sa kanya ang ginawa ko.

Frustrated na sinuklay ko ang buhok ko habang nakaupo dito sa couch at sya naman ay nakatayo at nakapamewang sa harap ko.

"I just.. I don't know what to do."

"What?"- he asked in disbelief. "You're a Doctor for Pete's sake, tapos matatakot ka lang sa isang pasyente? What if that patient hurt you?"- mahabang lintanya pa nya at naupo sa tabi ko.

"Paul kilala mo ako. Hindi ako mag dedesisyon kapag alam kong may mangyayaring hindi maganda."- katwiran ko naman.

"But still--"

Natigil kami sa pag uusap ng biglang may pumalakpak.

"I happened to hear you both. You guys were so loud."- boring na sabi nito.

Teka nga! Bakit ba nandito pa din sya?

"I thought you left already?."- kunot noo na sabi ko.

She just smiled and leaned on the wall while staring at us.

"Wait, who are you?"- singit ni Paul.

"Oh, that? Ask your girlfriend."- she simply said, causing Paul to look at me.

I cleared my throat and touched my nape.

"She's, uh, a friend."

"Really?"- hindi kumbinsidong saad ni Paul at sandaling sumulyap sa kinatatayuan nya bago muling tumingin sakin.

"Tsk, parang tanga."- pairap na sagot nito buti nalang ay hindi iyon napansin ni Paul.

Kumalma naman sya pagkatapos namin magkaroon ng sagutan. Alam ko naman na mali ang ginawa ko. But I can't imagine someone dying because of me.

Kumain na din kami ng dinner dito sa bahay matapos ng pag uusap sa sala.

"Na saan na yung kaibigan mo?"- he asked while chewing his food.

"Baka nandyan lang."

"Why doesn't she eat with us?"

I just shrug my shoulders and keep my mouth shut until the dinner is over.

Hinatid ko sya hanggang labas. Hindi ko pa din napapansin kung nasaan ang babaeng yon, but I know she's still inside.

"I'm sorry if I got mad earlier."- he whispered when he hugged me.

"I understand. You just want to protect me."- I replied.

He smiles and nods his head. "Goodnight"

He kissed my forehead and waved his hand before getting inside his car.

Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan ang papalayo nyang sasakyan.

Tumalikod na ako pero agad din napaatras dahil sa bumungad sa akin. Hinintay ko ang pagbagsak ko sa semento dahil sa biglaan kong gulat pero may mga braso nang pumulupot sa bewang ko para hindi ako matumba.

"I got yah"- she muttered, smiling, showing her visible fangs.

Mabilis ko naman syang naitulak palayo sa akin. Ginapangan kasi ako ng kilabot.

"I won't bite you. Sabi mo nga kanina friend mo ako diba?"

I swallowed when the realization hit me hard. Why did I say that? Tsk. Ayan naniwala tuloy sya.

Nilagpasan ko sya at pumasok na ako sa loob. Hindi ko pa nasasarado ang pinto ay nasa loob na din sya at prente ng nakaupo sa couch.

"I'll sleep here."

The Last Bloodsucker ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon