Chapter 7

3.3K 176 2
                                    




Third person POV



Mabilis ang lakad ng isang babae ,mahigpit din ang yakap nya sa kanyang sarili dahil parang kanina pa sya nakakaramdam ng mabilis na pagdampi ng hangin sa katawan nya.

Para bang may mabilis na dumadaan sa paligid nya.

Nakarinig sya ng yabag sa likod kaya napahinto sya at dahan dahan na lumingon.

An empty street welcomed her. Buhay ang mga ilaw ng madadaanan na mga bahay. Pati mga lamp post buhay. May iilan ilan na sasakyan ang dumadaan pero wala naman syang nakita na nakasunod sa kanya.

Muli syang pumihit paharap at naglakad ulit ng mabilis. Sa pagliko nya sa isang eskinita ay mas domoble ang kaba nya ng marinig na naman nya ang yabag na parang may nakasunod sa kanya.

Walang lingon na tumakbo sya dahil sa takot. Nagbabakasakali na makahingi ng saklolo dahil ramdam nya ang pagsunod ng kung sino sa kanya.

"AAAHHH!!"- tili ng babae dahil may humablot nalang bigla sa kanya at ang matatalim na pangil ay bumaon sa leeg nya.

'I don't want to die' ang nasa isip ng babae habang unti unti ng lumalabo ang paningin nya at nanghihina ang katawan nya.

Bumagsak sa semento ang walang buhay na katawan ng babae.

Samantalang ang nilalang naman na pumatay sa kanya ay mataman syang pinagmasdan habang nagpupunas ng labi at may mala demonyong ngiti sa mga ito.

'Human blood really tastes good, even after so many years' ang naisip nya bago lumakad palayo sa babaeng wala ng buhay.







Genevieve's POV

I was busy reading some of my emails when I heard my telephone at home ring from the kitchen.

Iniwan ko muna ang laptop ko at tumayo na ako saglit para sagutin ang tawag.

Sumandal ako sa pader at tinapat sa tainga ko ang telepono.

"Genevieve Corpuz. Speaking, how may I help you?"- I asked in a polite way.

Baka kasi related ito sa trabaho. Though I know I'm on leave, pero kahit na. Baka lang naman importante e.

Napakunot ang noo ko ng wala akong marinig na sagot sa kabilang linya.

"Hello? Who are you?"

My lips parted when the caller dropped the call.

Naiiling na binalik ko ang telepono at tumalikod na pero tumunog ulit ito.

"Hello?"

Silence..

"Is this some kind of prank?"- tanong ko ulit.

Tanging paghinga lamang sa kabilang linya ang maririnig.

"Stop calling me if you don't have anything to say. You're wasting my time."- I coldly said and put the telephone back.

Sa muli kong pagtalikod ay tumunog ulit ito kaya naman nakaramdam na ako ng kaba.

Dahan dahan akong bumalik at kinuha ang telepono.

I sigh and shut my eyes.

"Who are you, and what do you want?!"

I heard a sound from the other line. Mas kumabog ang dibdib ko ng marinig ko na ang boses nito.

"Hello Eve..."

That voice..

Nabitawan ko ang telepono at mabilis na bumalik sa sala.
Dinampot ko ang laptop at cellphone ko at pumasok sa kwarto ko.

The Last Bloodsucker ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon