Chapter 40

1.6K 56 5
                                    

"Anak, saan ka ba pumunta at akala ko ba mag-isa ka lang pupunta rito?" tanong kaagad ni nanay nang makarating kami ni Raven sa bahay nila.

"He said that, Tita?" tanong ni Raven kay nanay at tiningnan ako ng nanunuri niyang mga mata.

Nag pout lang ako sakaniya at nginitian siya tsaka nag peace sign.

"Eh kasi, you know, alam mo na." sabi ko while matching ngiti ng mapangumbinse.

"Fine. I'll just go upstairs first, I need to get change. Prepare me a glass of milk, please." aniya at tumingin kay nanay. "Tita, i'll go upstairs po muna."

Tumango lang si nanay at ngumiti pagkatapos ay tinitigan niya ako. Nang makaalis si Raven ay nagsalita siya.

"Lele, may hindi ba ako este kami alam at bakit parang ang inspired mo ata ngayon." nakapameywang na saad ni nanay.

"What is it Fecilda Marie, at bakit inspired ang baby girl natin?" mapaglarong usisa din ni Tita. "Anyway, let's take a seat at pag-usapan natin ito. Hindi naman siguro mas nakakangalay ang pagtayo, right?"

Ngumiti ako sa sinabi ni Tita at umupo na nga sa sofa. Umupo na din si nanay at tumabi sakaniya si Tita.

"Hay naku, Reli. Pwede ba at huwag mo akong tawagin sa buong pangalan ko." reklamo ni nanay at tumingin sa akin. "So, anong ganap anak?"

Napalipat-lipat ang tingin ko sakanilang dalawa at nag-iisip ng sasabihin. Kung may sasabihin ba ako gayong halata naman, at kung paano ko ba sabihin if ever man na kami na ulit ni Raven.

"Uh... nasaan po si ate, nay?" pag-iiba ko nalang sa usapan.

Nagkatinginan sila ni Tita at sabay na nag crossed arms tsaka nag nag number four.

"Ang ate mo ay may date. Si Aniyya ay nanood sa loob kasama ang Tatay mo ng palabas." sagot agad ni nanay.

"Raven's upstairs and his dad is in the office." agad na sunod ni Tita.

"Now, answer our question, anong ganap?" sabay na tanong nila.

Na-amazed naman ako dahil ang cool nilang dalawa. Halatang mag bestfriend nga!

"Ang cool niyo naman!" anas ko tapos nahihiyang ngumiti. "Well, uhm... nagkausap kami kanina, at kagabi... tapos naglabasan na din ng saloobin and then, nagkaayos kami at... kami na pala... ulit." tumawa pa ako ng konti after I said that.

Tiningnan ko ang reaksyon nilang dalawa, at sabay na nanlaki ang mga mata at sabay na napanganga tsaka tumingin sila sa isa't-isa pagkatapos ay nag high five.

"Kyah. Omg, Marie. My ship is sailing!" sabi ni Tita habang maliit ma tumitili.

Ngi. Ship pa talaga. Si Tita talaga haha.

"Masaya ako para sa inyo, anak." nakangiting sabi sa akin ni nanay.

"I'm also happy for the both of you. Ikaw lang naman talaga ang gusto ko para sa anak ko, Haley. So, how about the wedding. May plano na ba kayo?" nangingiting tanong ni Tita.

Huh? Wala pa nga iyon sa isip ko. Pero kung aayain ako ni Raven. Siyempre, payag ako. Medyo matanda ma ako at ready na for that at alam na alam ko din na mahal na mahal ko si Raven.

"Uhm... we haven't talk about that, Tita. Kakaayos lang din kasi namin." sagot ko nalang.

"Hay naku, Raven's so mabagal talaga. Don't worry, Haley. Ikaw lang ang karapat-dapat na maging asawa niya."

Napangiti naman ako sa sinabi ni Tita.

"Sinong mag-aasawa?" tanong agad ng kakarating lang na si Tatay. He's from upstairs, karga-karga niya ang kapatid ko. Binaba niya si Aniyya at tumakbo naman ito sa akin.

Babysitting Mr. Childish (Childish Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon