Chapter 2

3.2K 113 12
                                    

Ang ingay ng alarm ko ang nagpa-gising sa akin.

Dahan dahan kung binuksan ang mata ko at umupo atsaka pinatay ang alarm sa phone ko.

6:00 am na pala kaya kailangan ko na maghanda kasi may pasok pa kami.

Kinuha ko ang tuwalya ko at pumunta na sa cr para maligo.

After taking a bath ay pumunta na ako sa kusina para kumain at nadatnan ko doon si manang na nagluluto.

"Oh Haley, andiyan ka na pala." sabi ni manang ng makita niya ako.

Obvious naman po manang hehe. Sagot ng siraulo kong utak.

"Ah opo manang. Magandang Umaga po!"
sagot ko at tinulungan ko na siyang maghanda ng mga plato at baso.

Inayos ko ang table at nang saktong maayos ko ito ay dumating si Raven na nakanguso.

Napatawa ako. Kahapon cute siya, ngayon bakit parang cute na isda na? Napansin rin ni manang si Raven kaya tinanong niya din ito ng---

"Oh hijo, andiyan kana pala."

"Yeah manang, it's obvious." sagot ng damuho kaya pinandilatan ko siya ng mata. Wala talagang manners ang isip bata na 'to.

"Why are you glaring at me? May ginawa ba akong masama?" inosente niyang tanong.

"Meron." sagot ko habang pinanlalakihan pa rin siya ng mata.

"What? Kakagising ko lang tapos may kasalanan kaagad ako! Manang oh, si Haley. Inaaway ako." aba at nagsumbong pa.

"Oh, nag-aaway pala kayo?" sagot ni manang na kinailing ko.

"Hindi po manang."

"Yes manang. Haley is glaring at me!"

Sabay naming sagot pero nahuli siya ng konti kasi mas mahaba ang sinabi niya.

"Mga bata, huwag na kayong mag-away. Malalaki na kayo, ay hindi na pala kayo bata. Malalaki na kayo, kaya huwag na kayo mag-away." magulong lintanya ni manang.

"Whatever, Manang." sagot ni Raven tapos inirapan ako.

Tss.

--------

Ang magandang umaga ko ay pumanget na naman dahil kay Raven.

Pano, e. Kanina habang kumakain kami ay napikon siya, iniirapan niya ako kaya bigla ko siyang nasabihan ng isip bata. Nagtalo kami at in the end. Pinahiran niya ako ng mayonnaise sa mukha at damit kaya imbes na nakapagbihis na ako ng maayos ay magbibihis na naman ako. At hindi lang 'yun, iniwan pa ako sa bahay at nauna na siyang pumunta sa school. Takte, humanda talaga siya sa akin!

Pumasok ako sa classroom namin at thankful ako kasi hindi ako na-late.

"Oh Haley girl, umagang umaga ay magkapantay ang kilay mo haha." salubong sa akin ng kaibigan kong si Larina ng makaupo ako sa tabi niya.

"Si Raven na naman ba ang nagpa-init ng ulo mo?" bulong na tanong niya sa akin.

"Sino pa ba? Nakakainis talaga ang damuho na 'yon!" sagot ko at yumuko sa desk ko.

"Kaya mo yan girl. I'll cheer you up haha." sagot niya at tinapik pa ako sa balikat.

Bumangon ako at tiningnan siya.

"Ano itong nalaman ko na nagdi-date daw kayo ni Rogie?" pang-iintriga ko sakaniya.

"Girl, you know, wala lang 'yon. Hindi pa ako mafo-fall sakaniya dahil lang sa nag-date kami kahapon haha." isa rin to sa mga problema ko kay Larina e, palaging tumatawa kahit walang nakakatawa.

"Ewan ko sayo, wag masyado magpaka-harot ha. Siraulo 'yon." paalala ko.

Hindi lang basta chismis na babaero siya kasi palagi ko iyong nakikita na nakikipag harutan sa mga babae.

"Grabe ka girl, sa siraulo. Pero well, hindi naman talaga siya matino pero atleast gwapo haha."

Napa 'tsk' naman ako. Itong babaeng 'to basta gwapo, gora siya. Buti nalang hindi marupok e.

Atsaka siraulo naman talaga ang Rogie na 'yun, he is Raven's buddy at school. Nagsamang siraulo at isip bata. Ewan ko ba masakit sa ulo isipin ang kalabasan.

Pero, alam niyo ba? Sa bahay lang naman isip bata iyang si Raven, pero sa school? Ubod ng snob pero siraulo parin. Palagi niyang pinapasakit ulo ko, buti nalang mas masakit pag walang ulo.

Napakadami pa namang nagkakandarapa sakaniya sa school. Siyempre, dahil gwapo siya. Paano kaya pag nalaman nilang isip bata pala siya, magugustuhan parin kaya nila?

At bakit ko iniisip ang damuho na 'yon? These past few days, palagi ko nalang siyang iniisip. Sa kakalikot niya talaga, palagi ko nalang siyang naaalala.

Napabalik ako sa katinuan dahil may kumalbit sa akin galing sa likod. At sino pa ba? Edi ang damuho! Naiinis ko siyang nilingon.

"Ano?" inis na tanong ko.

Nakangisi siya sa akin.

"Did you bring my milk?" tanong niya.

"Hindi, nakalimutan ko." umiirap na sagot ko.

"What? Bakit hindi mo dinala?" nangunot agad ang noo niya at nawala ang ngisi niya. At siyempre ngumuso na naman siya.

"Malaki kana, at pati iyon makakalimutan mo pa? 'Wag mo nga akong kausapin!" sagot ko at tumingin sa harap.

Saktong dumating na ang teacher namin kaya nagsimula na kaming mag-lecture.

2 hours passed.

"See you tomorrow!" ani ni Mr. Rondevar at lumabas ng classroom namin.

"Haley, tara na gutom na ako haha." Larina said.

Tumango ako at nang masarado ko ang bag ko ay dumiretso kami sa cafeteria.

Habang naglalakad kami ay nakatingin ako sa phone ko kasi tiningnan ko ang oras kaya dahil tanga ako ay nabunggo ako sa isang lalake.

"Aray!" daing ko.

"Ah miss, sorry. Nagmamadali kasi ako." sagot niya at mukha ngang nagmamadali siya dahil ambilis niya maglakad.

Napatulala ako pagkatapos niya akong kausapin. Ang  gwapo niya... sobra.

At dahil tulala ako ay may pumitik sa akin bigla. What the?!

"Bakit mo tinitingnan ang lalaking 'yon?" tanong ni Raven.

"Wala, at bakit mo ako pinitik sa noo?" tanong ko pabalik.

"Wala!" nakanguso niyang sagot at parang nagdadabog na naglakad palayo.

Nangunot ang noo ko.

"Problema niya?" naguguluhang bulong ko. Tinawanan naman ako ni Larina.

"Girl, baka nagselos si Raven haha." biglang sabi ni Larina nang makaupo kami sa cafeteria pagkatapos umorder ng pagkain.

"Bakit magseselos? At anong nakakaselos?" kunot-noong tanong ko.

"Eh kasi Haley girl, nakatulala ka kanina kay Mr. Ignacio!"

"Huh? Sino si Mr. Ignacio?"

"Siya iyong hottie na nakabunggo mo kanina. He's very popular pero hindi mo kilala? Wow haha!"

Ah, so Ignacio ang apelyido ng lalakeng 'yon. Maganda apelyido niya ha, bagay sa gwapo niyang mukha. Totoong napaka-gwapo niya, pero mas gwapo si Raven.

Babysitting Mr. Childish (Childish Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon