Chapter 9

1.8K 82 0
                                    

Ang bilis talaga ng araw. Monday na naman ngayon. Nag-movie marathon kami buong araw kahapon ni Raven at maagang natulog nung kinagabihan.

Galing ako ngayon sa faculty. Ipinatawag ako ni Mr. Rondevar para ibigay sa akin ang gagawin namin sa time niya. May meeting daw siyang dadaluhan kaya ako nalang daw ang mag-distribute at magkolekta ng mga works namin on behalf of him. Ako kasi ang President sa subject niya.

Nasa second floor ang classroom namin kaya paakyat na sana ako sa hagdan ng may pumigil sa akin. Nilingon ko ito.

"Miss, is this yours? Nahulog kasi malapit sayo." pinakita niya sa akin ang panyo ko.

Nahulog ko pala ito. Kinuha ko ito sakaniya at nagpasalamat.

"Ah oo, akin 'yan. Thanks!" sabi ko.

"By the way, you're familiar to me. Ikaw yung nakabangga ko last time sa cafeteria, right?" bigla ay tanong niya sa akin.

Napatitig naman ako sa mukha niya. At na-realized kung oo nga, siya iyong si Mr. Ignacio. Kaya nginitian ko siya at nginitian din niya ako.

"Ah oo, sorry pala about dun." I apologize.

"No, you don't have to apologize. It's my fault kasi nagmamadali din akong maglakad nun." sabi niya.

"Edi kasalanan nalang nating dalawa, para walang angal." sabi ko at sabay kaming tumawa.

"Yeah. So, what is your name? I'm Lhaven Ignacio by the way! Taga STEM 1." pakilala niya at naglahad ng kamay.

Naks, kakamayan ako ng isang pogi tapos taga STEM.

"I'm Haley Sandigo." sabi ko atsaka tinanggap ang kamay niya.

Mas lumaki ang ngiti niya sa akin. Kaya nilakihan ko din ang ngiti ko. Mas lalo siyang gumwapo. Pero mas gwapo parin si Raven.

Bakit nasasali na naman siya sa usapan?

And speaking of him. Bigla nalang may nagpa-bitaw ng hawakan namin ni Lhaven. Sino pa ba ang maglalakas loob na gagawin iyon?

"Tss. Don't hold her hand!" sigaw niya kay Lhaven.

Napailing ako at hinawakan agad siya sa balikat para pakalmahin. Masama siyang galitin e.

"Nakikipagkilala lang ako pre. Ano ka ba niya?" si Lhaven.

Kaya bago pa man makasagot at magwala si Raven ay tinakpan ko na ang bibig niya ng isang kamay ko at nagpaalam na kay Lhaven.

"Uh, mauna na kami Lhaven, malapit narin kasing mag-time e. Kaya bye!" dali-dali kong paalam atsaka hinigit si Raven paakyat da second floor. Tinanggal ko na rin ang kamay kong naka-takip sa bibig niya.

Hindi ko na narinig ang isinagot ni Lhaven kasi malapit na talagang magwala ang isang 'to.

Nang makatapak kami sa second floor ay kinalas niya ang kamay kong nakahawak sakaniya. At nauna nang pumasok sa classroom ng padabog.

Pumasok na rin ako saktong nag-ring na ang bell ay ini-announce ko na ang gagawin namin.

Nagsimula na akong gumawa ng essay ko at inubos ko doon ang focus ko para makatapos agad kasi ako pa ang magko-kolekta sa mga papers.

Lumipas ang mga monito at natapos na ako. Nagsimula na ring magpasa ng paper sa akin ang mga classmates ko.

Hindi kami nakapag-daldalan ni Larina dahil palagi siyang kinukulit ni Rogie.

Pero nung magpasa siya ng paper sa akin ay kinausap niya ako.

"Haley girl, na-miss kita haha!" exagg niyang sabi sa akin na may kasamang tawa.

Babysitting Mr. Childish (Childish Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon