Chapter 7

2.1K 86 0
                                    

Ang bahay namin ay magco-consume ng isang oras na byahe mula kina Raven.

8:30 am na ngayon, so it means 30 minutes na kaming nagbi-byahe.

Tulog si Raven habang naka-hug sa akin at nakasandal ang ulo niya sa balikat ko. Pinipigilan ko siya na huwag na akong yakapin kasi naiilang ako pero magtatampo daw siya.

Aba lang naman! Namumuro sa ang damuho na 'to! Naramdaman kong bigla siyang gumalaw kaya sinilip ko siya.

Nakapikit parin ang mata niya pero nagsalita siya.

"Haley, I want milk." bulong niya.

Napangiti ako. Parang bata e.

Nagdala ako ng tetra pack milks niya. Alam ko kasi na adik sa gatas ang damuho na 'to.

Kinuha ko naman ito sa bag ko at nilagyan na ng straw.

"Here." inabot ko sakaniya ang inumin niya.

Inabot niya naman ito at ininom ng nakasandal parin sa akin. Ano kaya ang nagustuhan ko sa lalakeng 'to? Sa super childish niya na 'yan, hindi ko talaga alam.
Pero hindi ko nalang iisipin, anyway hindi pa naman malala ang affection ko sakaniya. Pwede pang pigilan.

Pero mapipigilan ko naman kaya? Napailing nalang ako.

"Ba't ka umiiling, Haley?" naramdaman siguro niya ang pag-iling ko kasi sa lapit ba naman niya sa akin. Hindi ba uso ang space sakaniya?

Pero gusto ko nama---lalalala.

No. Hindi.

"Wala, may naalala lang ako." sagot ko nalang.

"What are you thinking?" asik niya.

"Bakit?"

Kapag sinabi ko bang ikaw, magtitino ka naba?

"I want to know what occupies your mind right now." aniya sa napaka inosenteng boses.

Ha? Hatdog. Ano daw? Bakit kahit inosente ay kaya niya parin akong pakiligin.

"Wala nga, Raven." sagot ko pabalik at saktong huminto ang sasakyan.

Nandito na pala kami ng hindi ko namamalayan.

"Andito na tayo, Ms. Haley at Sir Raven." pahayag ni Manong Adis.

"Opo Manong, salamat po! Sabihan niyo lang po kami pag may problema." sabi ko.

"Sige, Miss."

Ngumiti siya sa amin at lumabas na kami ng sasakyan ni Raven.

Paglabas namin ay nakaabang na sila Nanay sa labas ng pintuan ng bahay. Habang ang bunsong kapatid ko naman na babae ay nanakbo na patungo sa akin.

"Ate Haley!" tumatakbong tawag niya sa akin.

Sinalubong ko siya at binuhat.

"Na miss kita, Aniyya!" tugon ko sakaniya.

"Ako din po ate!" humahagikhik niyang sabi.

Nilingon ko si Raven sa likod ko at sinenyasan siyang pumasok na sa bahay namin.

"Magandang umaga po!" bati ni Raven kila Nanay.

"Magandang umaga, Raven. Buti at napadalaw kayo!" bati ni nanay.

Lumapit ako kay Nanay at Tatay at niyakap sila. Tapos nagmano naman si Raven sakanila.

"Hi nay! Dito po muna kami ni Raven, kakatapos lang ng periodical exam namin kahapon. Relax muna kami dito."

"Oh siya pumasok na kayo." aniyaya ni papa sa amin.

Pumasok na kami at umupo ako sa couch habang nakakandong parin sa'kin si Aniyya.

"Kumain na ba kayo?" tanong ni nanay.

"Opo nay!" sagot ko.

"Kamusta naman kayo, anak?" si Nanay.

"Maayos lang naman po. Cute parin hehe."

Char, yabang ko!

"Luh, cute daw."

Natawa ako kay Nanay.

"Siyempre, anak kita e!" ani ni tatay.

"Baka kamo dahil ako ang Nanay niya!" tugon ni Nanay kay Tatay.

"Huwag na tayo magtalo, Fecilda. Gwapong-gwapi ka rin naman sa akin!" nag pogi sign pa talaga si Tatay.

Naku. Napapatawa nalang ako sakanila.

"Ewan ko sayo, Remonte. O siya Lele, ipaghahanda ko muna kayo ng meryenda ha. Hindi ako nakapaghanda kasi hindi mo ako tinawagan ng maaga." ani ni Nanay.

Tinawagan ko kasi siya nung malapit na kaming makarating.

"Surprise kasi 'yon, Nay!" sagot ko.

Tumawa lang siya sa akin at pumunta ng kusina.

"Ay surprise pala 'yon, anak? Hindi halata!" sabat ng Tatay ko.

Itong si Tatay talaga. Corny mag joke.

"Okay lang 'yan, Tay! Minsan lang ako mag-surprise kaya dapat kunwari nagulat ka naman po kahit konti." joke ko rin.

"Nagbibiro lang ako, anak. O siya maghahanda na ako dahil pupunta pa ako sa talyer. Enjoy kayo rito ni Raven. Hijo ha?" si tatay at nilingon si Raven.

"Opo, Tito. Kasama ko naman po si Haley, kaya i'm sure po mag-eenjoy ako." sabi niya at napangiti naman ako.

Ehe.

"Ganiyan nga hijo! Sige una na muna ako!" paalam ni tatay at tumayo na papuntang kusina para magpaalam kay nanay.

"Kung anu-ano pinagsasabi mo!" sita ko kay Raven tapos tumingin ako kay Aniyya na pinaupo ko sa tabi ko para hindi ako matapunan ng iinom niyang chuckie. Binigyan ko kasi siya ng pagkain at chuckie kanina nang makaupo kami.

"Ano ba ang sinabi ko?" nguso niyang tanong.

"Wala, nagugutom ka ba?" tanong ko nalang.

"No. I'm full." sagot niya at hinawakan pa ang tiyan niya.

Ang cute niya naman.

Sakto at dumating si Nanay na may dalang cassava cake at gatas.

Alam niya kasing gatas ang favorite drink ni Raven.

"Lele, maiwan ko muna kayo dito ha? Mabuti at napadalaw kayo kasi iiwan ko muna si Aniyya. May group study ang ate mo kaya wala siya dito sa bahay. Ako na muna ang magbabantay sa tindahan natin. Enjoy kayo dito." mahabang habilin ni mama.

"Ah kaya po pala wala si ate, sige po kami na bahala kay Aniyya. Ingat Nay!"

"Mag-ingat din kayo!" sabi ni Nanay at hinalikan niya kaming tatlo sa ulo.

Nang makaalis si Nanay ay tinanong ko si Raven kung ano ang gagawin namin.

"Anong gagawin natin dito, Raven?"

"I want to hear you sing, Haley."

"Eh, alam kung maganda ako pero mas alam kung hindi pinalad ang boses ko. Kaya bakit mo gustong marinig ang boses ko?"

"I just like it, kahit na oo nga medyo sintunado." honest na sagot niya.

Ang bait niya, pramis! Hindi halatang gusto ko siyang batukan.

Inirapan ko nalang siya.

"Sige na, Haley...sing for me..." pamimilit niya.

"Ate, sing ka na po. Iiyak si kuya po, tingin mo pa po." gatong naman ng kapatid ko.

"Aniyya, help me convince your ate." pagpapaawa pa ni Raven kay Aniyya.

Itong damuho na 'to!

"Fine!" I exclaimed.

"Yey!" masayang sabi ni Raven and guess what?

Niyakap na niya naman ako bigla. Ipapagdasal ko nalang siguro ang puso ko.

Babysitting Mr. Childish (Childish Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon