Chapter 31

791 42 0
                                    

Natagalan ako sa cr dahil kinalma ko muna ang sarili ko at hinintay na maubos ang pagtulo ng mga luha ko.

I washed my face and I smiled.

Gusto kong sugurin at pagsampalin si Raven, pero alam kung hindi ito ang tamang gagawin. Lalo pa at monthsary namin ngayon. Ayokong may lapat na lungkot ang mga mahahalagang araw ng buhay ko.

Kahit pa gustong-gusto ko na siyang i-confront. Shet, kalma self.

Binuksan ko ang pintuan at lumabas. Agad namang tumakbo papunta sa akin si Raven.

Hindi ako ngumiti sakaniya. I just can't smile at him after discovering nasty things.

"Haley, you took long. I thought something happened to you." nanguso niyang sabi habang mukhang nag-aalala.

Noon, I really love seeing his pouted lips or his pouting expression. Pero ngayon, parang ayokong nakikita iyon. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na sampalin siya.

He's a great pretender.

Just how could he can easily fool me with his mere actions?

Tipid lang akong ngumiti at nauna nang pumunta sa parking lot.

Sa byahe ay tahimik lang ako. Tinanong niya ako kung ayos lang daw ba ako. Oo lang ang sinagot ko.

Wala akong ganang makipag-usap sakaniya.

Sa garden lang kami ng bahay nila magce-celebrate ng 10th monthsary namin. Konting dinner date lang.

Kinukulit niya ako ng makarating sa bahay nila. Pero sinabihan ko lang siya na mag-aayos lang ako.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay nagsimula na akong mag-impake.

Luckily at friday ngayon. Walang pasok bukas at pwedeng-pwede akong pumunta sa amin.

I maybe cool at handling things, pero yung ganito, yung niloko ka. Shet, ang sakit pala. Parang hinihiwa ang dibdib mo na hindi mo maintindihan, bakit?

Saan ba ako nagkulang at nagkamali? At bakit kailangan niya pa akong lokohin?

I slowly wiped the drop of tears dripping down to my cheeks.

They said, pain is part of love. But do I deserve this kind of pain?

----

Six thirty pm ay kumatok na si Raven sa pintuan ko. He's asking if I am ready and fixed.

Doon ko lang naisipan na magbihis at mag-ayos. I was busy thinking on how to start confronting him. Na-busy rin ako sa page-empake.

Ang totoo, gusto kong hindi sumipot. Pero hindi pwede, dahil alam kung hindi siya kakain pag nakita niyang hindi maayos ang lagay namin.

Ayoko naman na hindi siya kumain, kahit papano ay may care pa din naman ako sakaniya. Manloloko lang siya, pero bukod s concern ako sakaniya ay mahal ko din siya.

Napailing nalang ako at tiningnan ulit ang reflection sa salamin.

I wore an off-shoulder above the knee dress. Rose pink ang kulay at may ribbon siya sa gitna.

Nag-braid din ako ng buhok at nag-ipit.

I put a light make-up na din. Hindi rin kasi ako marunong mag make-up.

Seven thirty pm nang kumatok ulit si Raven.

Binuksan ko ang pintuan at tumambad sa akin ang napaka-gwapo niyang mukha.

He's wearing a black tux with a rose pink necktie, para terno sa akin.

Kung sa normal na mga raw ito ay wala akong problema ay baka pinuri ko na ang get-up namin.

Babysitting Mr. Childish (Childish Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon