Chapter 6

2K 89 1
                                    

Maaga akong nagising dahil plano ko ngang bumisita kila nanay ngayon.

Naligo na ako at nagbihis pagkatapos ay pumunta ako sa kwarto ni Raven.

Kinakabahan ako, may doubt parin ako na baka mali ang iniisip ko kagabi na gusto ko nga siya. Pero kailangan kong magpaalam sakaniya.

Kumatok ako pintuan niya.

"Raven."

Hindi siya sumagot. Tulog pa ata.

Kumatok ako ulit. Pero wala parin.

Kumatok ako ulit ng sunod-sunod kaya ayun binuksan niya rin.

"What?" suplado niyang tanong. Gusto kong matawa, baka isang oras kaming mag-uusap nito dahil nagtatampo nga siya sa akin.

"Pupunta ako kila nanay ngayon, sasama ka ba?" mahinahon kong paalam.

"I don't know." simangot niyang sagot.

"Anong i don't know? Oo at hindi lang ang sagot."

Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa floor. Kinulbit ko siya, muntik pa akong mapalundag ng parang may naramdaman akong kuryente nang mahawakan ko siya.

Umilag siya tapos ay sumigaw.

"I'm mad at you!"

Halata naman. Pero naghingi nalang ako ng paumanhin kasi kasalanan ko din naman talaga.

"Sorry, Raven. Nawalan lang ako ng gana bigla kagabi e kasi biglang sumama ang pakiramdam ko. Hindi ko sinasadya na umasal ng ganun." sincere kong sagot.

"Bakit ka nawalan ng gana? Nakakatampo!" maktol niya pa at umupo bigla sa sahig.

Napanganga ako.

"Raven, tumayo ka nga!"

Hinila ko siya, pero hindi niya ako pinansin at yumuko nalang sa tuhod niya.

"C'mon Raven, wag matigas ang ulo!" saway ko pa.

"No! I'm mad! I'm mad! I'm mad!" paulit-ulit niyang reklamo.

Napakamot ako sa ulo ko. Ang awkward naman nito. Umupo ako para mapantayan siya.

"I'm sorry Raven, I know i've been bad. Tayo ka na, sorry na..." pang-aalo ko.

I feel really sorry, knowing him, alam kong pag nagtatampo siya ay totoo talaga.

Pero, pano ba manuyo? Hindi ako marunong and it's very awkward.

"Nakakawalang gana ba akong kasama, Haley? Tell me." mahinang tanong niya habang nakayuko parin sa tuhod niya.

"No, you're not. Sorry, it's my fault. Tayo kana, hindi ko na uulitin."

Tinaas niya ang ulo niya at tumingin sa akin.

"I'm really mad. I'm so mad." bilog na bilog ang nguso niya.

Para bang nang-aaya ng hali--

Wtf???

Bakit napunta sa halik?

"Pasensya kana, sorry na nga."

"You know I was so happy kahapon kasi makakagala na ako tapos kasama pa kita, tuwang tuwa ako kasi ikaw kasama ko pero wala kang gana! Hindi ko alam bakit wala kang gana, pakiramdam ko nakakawalang gana ako kasama!" nagtatampo talaga siya.

"I'm sorry, sorry na. I just spaced out kahapon kasi nga biglang sumama ang pakiramdam ko. Hindi ka nakakawalang gana kasama okay? Tayo kana."

Ilang beses ko na kayang nasabi ang salitang 'sorry?'

Lumabi siya at sumimangot.

"Dapat sinabi mo agad na masama ang pakiramdam mo. Tampo parin ako." sabi niya at umirap.

Napapakamot ako sa ulo ko kasi hindi ko talaga alam pano manuyo! Buti sana kung bata ang susuyuin ko kasi pwede ko lang abalahin ng laruan. Pero... hays...

"What do you want me to do just to forgive me?" sumusuko kong tanong.

Shet, wala akong maisip na panuyo e!

Yumuko siya ulit sa tuhod niya.

"Hey!"

Nang mag-angat siya ng tingin ay nangingiti niyang binuka ang magkabilang kamay niya. Parang nanghihingi ng yakap.

Kumabog ang dibdib ko. Ay meron bako non?

"Huh?"

Naiinis siyang nag gesture ng hug.

"Raven, required bang i-hug kita para lang mawala ang galit mo?" kinakabahan kong tanong.

Iniiwasan ko nga kasi ang magkaroon ng physical attachment sakaniya ng very close kasi parang hinahabol ng isang dosenang aso palagi ang kabog ng puso ko.

"You can't?" parang maiiyak niyang tanong.

Hays! Wala akong choice kundi ang dahan-dahang yakapin siya. Dito pa talaga sa harap ng pintuan niya. Nice scenario!

Nang mayakap ko siya ay niyakap niya ako pabalik. Mahigpit. Sana hindi niya maramdaman ang bilis ng pintig ng puso ko.

"I feel better." sabi niya.

Ako naman ay napatahimik na.

"I want to hug you forever Haley, it feels better than the taste of milk." bulong niya sa tenga ko.

Please Raven, wag kang ganiyan. Please don't make me fall...

"Raven..."

"I'm so mad at you but your hug makes me calm. What is this feeling Haley?"

Hindi ko alam ang sagot sa tanong niya. May feelings ba siya sa akin?

Pero diba? May crush daw siya?

Naalala ko na naman ang sinabi niyang may crush daw siya. Ewan ko pero nainis naman tuloy ako.

"Maybe because it's comforting you?" sagot ko nalang.

Naramdaman kong tumango siya at bumitaw siya sa yakap namin.

"Yeah that's it. I'm sorry Haley for being stubborn right now. But can I hug you in anytime i want?"

"Huh? Bakit naman? Hindi pwede." hindi naman ata pwede 'yun.

"But, Haley..."

Napairap ako. Pa-fall.

"Pero---"

"It's final, hugs are allowed pero sakin lang dapat. I'm going with you, so magbihis kana rin." seryoso ang tunog niya.

Nagulat ako sa seryoso niyang boses.

Tumayo siya at hinila na din ako patayo.

Umalis ako sa kwarto niya at bumalik na din sa kwarto ko.

Na-realized kong tama talaga ako kagabi... gusto ko nga si Raven.

Napakagat ako sa mga daliri ko dahil doon. Anong gagawin ko???

Babysitting Mr. Childish (Childish Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon