Chapter 35

980 43 5
                                    

Nagising ako ng maramdaman kong may mga luha sa mga mata ko. Naiyak ako sa panaginip ko. Iyong tipong pati sa panaginip ko ay naroon siya sa sobrang pagka-miss ko sakaniya.

Akala ko totoong nandito na siya. Akala ko lang pala. Panaginip lang pala.

I am starting to get mad at him.

Naiinis na ako sa'yo. Pero wala akong karapatan na magalit sa 'yo kasi ako naman ang nagtulak sa'yo palayo.

Pinaparusahan mo ba ako, Raven?

Ang oa oa ko na tuloy. Kung kelan ako tumanda, tsaka pa ako naging iyakin.

I wiped off my tears at nilingon ko ang phone ko nang umilaw iyon.

From: Larina

Can I go your place?

Pwedeng-pwede naman. Pero gabi na, 'di ba?

To: Larina

Sure. I'll wait for you.

From: Larina

Otw.

To: Larina

Ingat.

From: Larina

Thanks.

Hindi na ako nag-reply.

Nang makauwi ako kanina from school ay nakatulog ako agad. Though, nagawa ko na naman mga dapat kung gawin. Iniiwasan ko kasing ma-stress, lalo pa ngayong malungkot ako.

Miss na miss ko na talaga siya. Kahit kailan, damuho talaga siya.

Pumunta ako sa sala para doon hintayin si Lari. Nakatulala lang ako sa kawalan. Napaisip na din kung ano ang sasabihin sa akin ni Lari. I'm sure kasi meron.

Tungkol ba ito sakanila ni Rogie? Pumayag kaya siya na kausapin si Lari?

Nakanguso lang ako habang hinihintay si Lari ng biglang tumunog ang doorbell. Dali-dali naman akong tumayo at binksan ang pinto. Hindi ko tiningnan sa camera kung sino ang dumating. I'm sure it's Lari naman.

Pero pagbukas ko ng pinto ay nanlaki ang mga mata ko.

"T-tita? T-tito?" utal pero gulat kung tanong.

"Surprise!" sambit ni Tita Reliza sa akin at niyakap ako.

Niyakap ko din naman siya agad pabalik at bigla akong nabuhayan. Kasama ba nila si Raven?

"I miss you, hija. You look stunning and grown up na!"

Bumitaw kami sa yakap at ngumiti ako sakaniya.

"Teka, na-surpresa po talaga ako. Pasok po muna kayo."

Nginitian ko si Tito at binalik niya naman at tinapik din niya ang balikat ko. Napalinga-linga ako sa paligid.

Wala ang damuho. Hindi nila kasama. Parang bumagsak tuloy ulit ang mga balikat ko. Sumunod ako sakanila kahit na medyo nalungkot.

"I'm sorry hija, but Raven is not with us." pahayag ni Tita.

Ngumiti lang ako ng pilit sakaniya.

Pinaupo ko sila sa aking sofa at didiretso sana sa kusina para kumuha ng pagkain pero pinigilan ako ni Tita.

"Kukuha lang po ako ng food, Tita Tito."

"No need, Haley. We already ate. Actually we don't plan to stay here for long. Kakarating nga lang namin and we immediately went here because that what's Raven wants. I think you too need to talk privately. And we are going to invite you to our welcome home party for Raven. Pumunta ka hija, ikaw pa naman ang pinaka-importante doon. Invite your family. I really miss your mom, too."

Babysitting Mr. Childish (Childish Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon