Chapter 38

1.1K 47 6
                                    

"Wake up, sleepyhead." narinig kong bulong sa akin ng kung sino.

But I ignored it at mas niyakap pa ang unan ko. Ang bango naman ng unan na 'to at ang comfy, bakit ngayon ko lang siya na-appreciate?

"Bhacket parng ang tsigas ng unan ko phero masharap yakapin?" antok na antok pang bulong ko.

"Tss. Wake up, please. You should get up." narinig kong sita pa sa akin ng kung sino.

Sino ba 'tong sumisita sa napakagandang tulog ko at bakit ang lapit lapit pa ng boses niya?

Napapa-ismid nalang ako sa utak ko. Pero nang maramdaman kong may tumamang malambot na bagay sa labi ko ay dali-dali akong bumangon.

"Shet!" anas ko.

Napatingin ako sa nakasimangot na Raven sa harapan ko. Ba't siya nakasimangot e siya nga nanira ng tulog ko e, tapos...

"Bakit mo 'ko hinalikan?" nanlalaking matang tanong ko.

"To wake you up." simpleng sagot niya lang.

"Raven!"

"What's wrong with that? As if, we haven't kissed yet."

Aba!

Hindi niya ba alam na wala pa akong toothbrush? Kainis na damuho talaga ito.

Sinapo-sapo ko ang mukha ko at dumiretso nalang sa banyo.

"Breakfast is ready, pagkatapos mo diyan baba ka agad dahil kanina pa ako nagugutom." habol niya pa sa akin.

Aish. Kainis na damuho.

Pero what?

Breakfast is ready? Kailan pa siya natutong magluto?

Woah. Ibang level na talaga ang galawang Raven.

Nagmamadali akong naligo tsaka nag-ayos. Baka kasi lumamig na ang pagkain. Mainis lalo ang damuho.

Kinikilig pa naman ako kasi naghanda siya.

Nagpalit ako ng damit at chineck muna sa salamin kung mukhang tao na ba ako. And then, done!

Lumabas na ako sa kwarto ko at tumungo sa hapag.

At tama nga ako, nakasimangot na ang damuhong childish. Kaya para hindi niya ako simangutan ay lumapit ako sakaniya at hinalikan siya sa pisngi.

"Tss. You're really tricky on how to tame me, noh?" nangingiti niyang sabi sa akin.

"Ofcourse, kasalanan mo. Marupok ka!"

"Whatever, take a seat and let's eat. Kanina pa ako nagugutom."

Napatawa ako sa mukha niya. Ang laking tao pero ngumunguso. Cute naman pero natatawa lang ako.

"Stop laughing at me." aniya pagkatapos niyang ngumuya ng pagkain.

"Ang cute mo e, damulag ka dapat e hindi damuho." tawang-tawang sabi ko.

Mas lalo siyang sumimangot dahil sa sinabi ko. Umiling nalang ako at kumagat ng hotdog tapos sumubo ng kanin.

Pag-angat ko ng tingin ay nagulat ako ng makitang nakatayo na pala siya sa tabi ko.

Omg. Masama palang ginagalit ang damuho. Parang alam ko na ang gagawin niya.

"You." aniya habang unti-unting bumababa ang mukha niya sa akin.

"Hey, teka, a-akala ko ba kumakain pa tayo?"

Kumakabog na naman ng sobrang bilis ang puso ko.

"Yes, we're eating but I noticed that you are too happy while mocking at me. Don't you know that you have to pay for that?"

Babysitting Mr. Childish (Childish Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon