Chapter 13

1.5K 59 0
                                    

Sinalubong namin ni Raven ang kaniyang mga magulang na kakarating lang mula sa kanilang business trip.

Nilapitan ni Tita Reliza si Raven para yakapin. Pagkatapos ay ako naman ang niyakap niya.

Tinapik naman ng Daddy niya ang balikat ni Raven at nginitian naman niya ako.

"I really miss you both. Wait, let's take our seats first. We're really tired." nakangiting saad ng mommy ni Raven.

Pumunta kami sa living room para umupo doon. Ang mga maids naman ay inayos ang mga bagaheng dala nila Tita at Tito.

"How are you two doing here? Hindi naman ba pinapasakit ni Raven ang ulo mo, Haley?" tanong ni Tito Jaime.

"Naku po, ayos lang po kami dito. At hindi naman po pinapasakit ni Raven ang ulo ko,  minsan lang, medyo tumitino na din po kasi siya." magalang kong sagot.

Bigla ay napaayos si Raven ng upo.

"Eh? Haley, matino kaya ako." bulong na angal niya sa akin. Inirapan ko siya.

"That's good. It's good to hear na medyo tumitino ka na, son." sagot ng daddy niya at tumawa sila ni Tita ng sabay.

Tumawa din ako.

Maya-maya pa ay dumating si Manang at nilapag niya ang snacks sa table.

"Magandang umaga sainyo, Reliza at Jaime. Mag meryenda muna kayo."

"Thank you, Manang." ngiting sabi ni Tita kay Manang.

"Oh siya, at hinahanda ko pa ang para sa pananghalian." paalam ni Manang na tinanguan lang naming lahat.

Nag-usap pa kami sandali at inaasar rin namin si Raven. Strikto ang daddy ni Raven pero nakikisabay siya sa pang-aasar namin kay Raven.

Mga ilang sandali pa ay nagpaalam ang daddy niya na aakyat na muna sa taas kasi magpapahinga na siya ganoon din ang mommy niya.

Nilingon ko si Raven ng sikuhin niya ako nang makawala ang mga magulang niya.

"Tss. You three always teases me." ngusong reklamo sa akin ni Raven. Kami nalang ang natira sa living room.

"Nagbibiro lang kami, Raven. Kakatawa ka kanina, para kang bata." natatawang sabi ko.

"I'm not a kid." inis na sabi niya.

Ay waw!

"Alam ko, pero isip bata ka haha." sabi ko at kinurot ang mukha niya.

Tawang-tawa ako reaksyon niyang kunot na kunot ang noo at parang uusok na ang ilong.

Pero nang ma-realized ko na naman na super lapit na pala namin sa isa't-isa ay dahan-dahan kong binawi ang kamay ko sa mukha niya.

Ngunit hinawakan niya ito bago ko pa man matanggal ito sa mukha niya.

Para tuloy kaming magki-kiss.

Putek na kiss na 'yan! Laging nasa utak ko.

"You know, you're so bully to me." naka-ngisi niyang sabi sa akin ng maramdaman niyang naiilang ako sa lapit namin.

Parang nabaliktad ang sitwasyon at ako na ngayon ang inaasar niya.

"Hindi kita binu-bully, ah! Mabilis ka lang talagang mapikon!" sagot ko at nag-make face sakaniya.

I'm being childish na rin pero kamustahin niyo po ang tibok ng puso kung parang sasabog na.

"Really? Hindi ako pikon, I actually like the way you tease me. Wanna know why Haley?"

Titig na titig kami sa isa't-isa.

"W-why?" utal na sagot ko sa sobrang ilang.

"Because you're always smiling every time you tease me. Your smile is the most beautiful sight for me to see." seryosong saad niya.

Napatanga ako.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko. Overwhelmed o kinakabahan? Kasi feeling ko, mas lalalim ang pagtingin ko sakaniya.

Patuloy akong napatitig lang sakaniya habang bahagyang nakanganga.

Si Raven ba talaga ang kausap ko ngayon?

Nalilito tuloy ako. Nalilito ako sa mga kinikilos niya kung may gusto ba siya sakin o wala, at nalilito ako sa mga kinikilos niya dahil parang nawawala ang pagka-childish niya.

Dumadalas na ang pagiging seryoso niya. Ito na ba talaga ang sign na matino na siya?

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon o hindi.

Ano nalang kaya ang mangyayari kapag matino na siya? Baka ma-awkward ako sakaniya. Buti nalang kasi kung childish siya kasi nasanay na ako. Pero paano kung---

"Raven! Haley! The lunch is ready. Come here!" tawag sa amin ng mommy niya na pumutol sa mga iniisip ko.

Finally, binitawan na ako ni Raven at bumalik na siya sa pagiging childish aura niya habang nauna nang maglakad papunta sa dining room.

Paano nalang kapag nag-mature na ang kaniyang pag-iisip? Tapos, biglang magiging possessive?

Ang tawag doon, ay asa!

Atsaka, baka guni-guni ko lang talaga ang lahat.

Babysitting Mr. Childish (Childish Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon