Chapter 11

1.6K 72 0
                                    

Sa mga sumunod na araw ay hindi kami gaano nag-uusap ni Raven. Palagi kong nire-reason out sakaniya na mags-study ako pag andito kami sa bahay. Sa school naman palagi akong dinadaldal ni Larina dahil mukhang hindi pa ata sila okay ni Rogie.

Ako parin naman ang nagtitimpla ng milk ni Raven pero aalis agad ako para pumuntang kwarto ko.

Gaya ngayon.

Nang matimpla ko na ang gatas niya ay pumunta ako sa kwarto niya para iabot ito.

Kumatok ako sa pintuan niya.

Binuksan naman niya agad ng isang katok lang. Hindi ako tumitingin sa mukha niya, baka tanungin ako bigla e.

"Eto na milk mo, matulog ka ng maaga ha."

Inabot ko ang gatas pero hindi niya ito kinuha. Wala akong choice kundi mapatingin sakaniya. Ayon nakanguso siya at salubong ang kilay.

"Problema mo?" tanong ko.

"Really, Haley? You're asking me what is my problem?" inis na nakangusong tanong niya.

Parang batang galit ang itsura niya. Pero pinigilan kong tumawa, katulad ng pagpigil ko ng feelings ko para sa kaniya.

"Ano nga problema mo?" naguguluhan kunwaring tanong ko kahit alam ko naman ang problema niya.

"You're avoiding me!" bulyaw niya.

Sabi na e.

"Ha? Hindi kita iniiwasan, at bakit kita iiwasan?" maangas na tanong ko.

"That's what bothers me! Ba't moko iniiwasan? I don't like it Haley!" gigil na sambit niya.

Kita ko ang lungkot sa mukha niya.

"Look, Raven. Kunin mo na ang gatas mo dahil may kailangan pa akong e-encode. Hindi ko alam ang pinagsasabi mo at hindi kita iniiwasan." mahinahon kong sagot.

Nagulat ako ng padarag niyang inabot ang basong hawak ko na may lamang gatas at walang pasabing binuhos ito.

Napanganga ako. Anak ng gatas!

"Raven!!!" sigaw ko.

Nakakainis. Diba ang sabi niya hindi na daw siya magsasayang ng gatas? Pero ano to?!

Napipikon ako sa ginawa niya. Pero kailangan kong kumalma, kasi childish siya.

Tatanungin ko sana siya kung bakit niya tinapon ang gatas niya pero ng mapatingin ako sa mukha niya ay napahinto ako. Mukha siyang naiiyak.

"Raven, don't worry I won't scold you, okay? Lilinisan ko nalang, sandali!" aligagang sabi ko.

Tumakbo ako pababa para kumuha ng panlinis at pagkatapos ay nilinisan ko na ang dumi.

After cleaning the floor ay binalik ko na ang mga panlinis. Nilinisan ko muna ang mop bago nilagay sa lalagyan. After ay hinugasan ko na rin ang mga kamay ko.

At bumalik ako sa kwarto ni Raven.

Pagkapasok ko ay nakita ko siyang nakatalukbong ng kumot. Ilang beses ko na ba siyang sinusuyo? At kamusta naman kaya ang puso ko?

Umupo ako sa kama niya at kinausap siya.

"Raven, are you mad na naman?" tanong ko.

Sumagot siya kahit nasa ilalim parin ng kumot.

"Yes." parang nagtatampo nga niyang sagot.

Halata bang iniiwasan ko siya? Sorry naman, hindi ko kasi alam pano siya harapin. Gusto ko siyang tanungin bakit niya kausap si Acosta, 'yung kausap niyang babae na Vice President ng SSG.

Babysitting Mr. Childish (Childish Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon