Chapter 3

2.4K 102 4
                                    

"Huh? Anong mas gwapo si Raven, Haley girl haha?" Napatanga ako ng magtanong si Larina.

Shet.

"Ha? May sinabi ba ako?" tinuro ko pa ang sarili ko.

"Yeah, you said na mas gwapo si Raven haha."

"Hindi ah! Nagmali ka lang ng rinig." Napakunot naman ang noo niya pero ngumiti din ulit.

Salamat at naniwala siya.

"Okay haha. Anyway, it's almost time to English class. Let's hurry haha." tumango naman ako sakaniya.

Pagdating namin sa classroom ay wala pa ang Teacher namin. Napatingin ako kay Raven na nakasimangot sa akin.

Anong problema nito?

"Dala mo ba ang buong mundo?" tanong ko sakaniya ng makalapit ako sa upuan ko. Nasa likod ko lang kasi siya.

Umirap siya at ngumuso.

"Tigil tigilan mo nga 'yang mukha na 'yan. Hindi ko naman sinasadya na makalimutan iyong mahiwagang inumin mo. Tsaka akala ko dinala mo."

Napataas ang kilay at mas lalo pang ngumuso. Tumingin ako sa paligid at buti ay hindi nakatingin ang mga classmates ko. Nakakahiya itong pa Mr. Cold na childish naman.

"Pwede naman tayong bumili ng tetra pack milk, mamayang uwian okay?"

Pero aba!

"Tss."

Ano ba talaga ang kinakagalit ng isang 'to? Dumating na ang Teacher namin kaya napalingon ako sa harap para makinig.

Sa kalagitnaan ng page-explain ng Teacher ay nagtanong siya at ako ang napili niyang sumagot. Tumayo naman ako agad.

"Ms. Sandigo, what do you think is the meaning of Subjective?"

"Uhm, I think subjective is based from our own idea, taste or feeling, or more like it's a person's own opinion." iyon lang ang isinagot ko.

"Alright, can you cite an example?"

Napaisip naman ako, ano kayang magandang example? Naramdaman kong sinipa ni Raven ang upuan ko.

"Uhm, Raven is the most handsome man in the world. I think this is an example of subjective claim since not every person in the world will agree that Raven is the most handsome man for them too."

Teka bakit si Raven ang example ko? Buti hindi ako inasar ng mga classmate ko, alam kasi nilang close kami. Pero sarcastic lang example ko ha?

"Very good." at nag continue na siyang mag explain. Nang paupo na ako ay nalingunan ko si Raven. Hindi siya nakatingin sa akin pero parang nakangiti siya.

Pero bakit ganoon ang example ko? Nababaliw na ba ako? Naku, huwag naman. Ayoko pa naman na mahibang.

Well, gwapo naman talaga siya. At bakit ko ba siya iniisip? Alam kong likas na gwapo si Raven, pero bakit para akong tanga kanina at pati nadin ngayon.

Ngayong nakauwi na kami.

Bakit siya ang laman ng isip ko kanina? Hindi ko siya gusto diba? Right, hindi ko siya gusto.

"Haley, i want milk." salubong bigla ni Raven sa mismong mukha ko.

"Hindi kita gusto!" sambit ko sa pagkagulat. Nang ma-realized ko ang sinabi ko ay nanlaki ang mga mata ko.

Hala, baka magalit siya!

"What are you saying?" naguguluhan niyang tanong tapos parang biglang nakunot na kunot ang noo niya na animong sobrang galit.

"Ha? Ah sorry, ano nga ulit kailangan mo?"

"What do you mean you don't like me? Am i a bother to you? That's why you don't like me?" sunod-sunod niyang tanong at swear for the first time, ngayon ko pa siya nakitang galit ang expression.

"Hindi, hindi sa ganun Raven. May iniisip lang ako kaya bigla ko 'yong nasabi." agap ko agad tapos ngumiti ng peke.

"You're clearly thinking that you don't like me. You just burst it out." tampo niyang sagot, at napalitan ng lungkot ang expression niya.

Paawa naman ang damuho na ito.

"No, Raven. May iniisip nga ako kaya nagkakamali ka diyan." 

"If i got the wrong idea, then what? Why did you suddenly said that you don't like me?!" maktol niya at ngumuso.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Alangan namang sabihin ko iyong dahilan ko, na iniisip ko lang naman kung may gusto ba ako sakaniya o hindi.

Eh di, awkward ata 'yon.

"Ah ano kasi... ano... hmm... pagtitimpla muna kita ng milk ha?" alibi ko nalang.

"No, i don't want. Tell me your reason!" utos niya.

Takte, saan ako kukuha ng idea pangsagot sakaniya?

"Ganito kasi 'yun. Naisip ko na mag advance study ngayon, tapos naalala kita. Hindi ko naman gustong isama ka kasi hindi ka rin naman mag-aaral." kunwari sumimangot pa ako.

Sana paniwalaan niya ang sagot ko. Kahit naiilang na ako sa kakatitig sa mata niya ay tiniis ko, baka mabuko ako, nakakahiya.

"Okay." sagot niya na parang nakumbinse. Tiningnan ko ang mukha niya at mukhang convinced naman siya.

Nginitian ko siya.

"Ah sige. You want milk, diba?" tanong ko.

Tumango siya at nagulat ako ng bigla niya akong niyakap. Muntik tuloy akong mapa-utot.

"I thought you don't like me because i am bothering you. I don't want you to hate me, i'll do everything just to stop you from hating me. Get it?" bulong niya at pagkatapos ay kumalas siya sa yakap pero nanatalili ang kamay niya sa bewang ko at nakatitig sa akin.

Bakit bigla bigla niya naman ata akong niyayakap? Bawal to diba? Pero inoseteng inosente ang titig niya habang ako hindi na alam ang gagawin.

Para akong nagyelo sa kinatatayuan ko. Ang bilis ng tibok ng puso at hindi ako makagalaw. Shet, response self! Di ako makatingin sakaniya ng diretso.

"Uh-h t-timpla m-muna kita ng gatas." at kinalas ko ang kamay niya sa bewang ko.

Parang nag the flush ako paalis sa harapan niya papunta sa kusina. Hinawakan ko ang dibdib ko. Para siyang hinahabol ng isang dosenang aso.

Hala, nakakakaba naman itong nangyayari sa akin.

Babysitting Mr. Childish (Childish Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon