Chapter 28

921 43 1
                                    

"She doesn't have a boyfriend and she doesn't need anyone except to me." malamig na sagot ng damuho.

At nakatingin siya sa mga mata ko na parang nagtatampo. Lagot.

"Andiyan ka pala, Raven. Hindi ka parin talaga nagbabago. Masyado kang selfish kay, Haley!"

"Why do you care?"

"Masyado kang mayabang!"

Napalinga ako kay Rhey nang natunugan ko ang galit sa boses niya.

"Teka, teka." awat ko at pumagitna ako sa kanila.

Napatingin tuloy ang mga tao sa amin. Pero ang dalawa ay nagsasagutan parin ng malamig at galit na titig.

"Huwag kayong mag-aaway kung ayaw niyong batukan ko kayong dalawa!"

Napa 'tss' naman si Raven.

"Pasensya ka na, Haley. May epal kasi habang nag-uusap pa tayo."

Kumuyom naman agad ang kamao ni Raven kaya nilapitan ko siya at pinigilan sa kung ano man ang gagawin niya.

Nararamdaman ko talaga ang tensyon sakaniya. Lumingon ako kay Rhey at nagpaalam.

"Naku, Rhey. Pasensya ka na din ha? Mauna na muna kami, pasensya ka na talaga."

Hindi ko na nahintay ang sagot ni Rhey kasi si Raven na mismo ang humila sa akin paalis sa lugar na 'yon.

Nang makarating kami sa sasakyan niya na naka-park sa likod ng talyer namin ay binitawan niya ako.

Doon ay nagdabog siya.

Sumandal siya sa kotse niya at sinipa-sipa ang dinadapuan.

Napakamot tuloy ako sa ulo ko. Ang childish talaga nito.

"Bakit andito ka agad? Parang hindi ka um-attend ng reunion niyo." panimula ko.

Pero hindi niya ako sinagot at nanatiling nagdadabog at hindi na talaga simangot lang ang expression niya dahil mukha na talaga itong galit.

Kaya ayaw kong makipag-usap sa mga lalake e. Pero parang unfair naman ata iyon, kasi normal lang na may makakausap ka talagang lalake sa buhay mo, 'di ba?

"Raven..."

Ngumuso siya.

Heto na naman po tayo. Nilapitan ko siya.

"Raven, galit ka ba?"

Hindi ba obvious, self?

Mas yumuko siya habang nakanguso parin pero tumigil na siya sa pagdadabog. Sinilip ko ang mukha niya.

"Raven, kausapin mo nga ako."

Bakit parang gusto ko ding mainis? Alangan naman kasing hindi ko kausapin si Rhey, kaibigan ko siya at ang bastos naman ata kung hindi ko siya pansinin para langhindi magalit ang isang 'to. Tsaka sinubukan ko namang iwasan kanina. Nakakakonsensya lang talaga.

Atsaka wala naman akong ginawang masama ah. Bakit nagagalit siya?

"Raven, magsalita ka nga!"

Parang gusto ko ding magdabog, pero hindi magandang solusyon iyon.

But nakakapikon na talaga kasi lumipas na ang sampung minuto pero hindi parin siya kumikibo. Nakanguso lang siya.

"Kung hindi ka magsasalita, mas mabuti kung bumalik nalang ako doon kay, Rhey."

Mahinahon pero naiinis parin sa loob-looban kung sambit na kina-angat ng tingin niya sa'kin.

"Don't you dare." at sa wakas ay nagka-boses na siya.

Babysitting Mr. Childish (Childish Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon