Chapter 16

1.3K 61 0
                                    

Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Inaantok pa ako pero hindi pwedeng maging batugan ako kaya dahan-dahan akong naupo.

May group study pa pala kami mamaya kaya kailangan ko talagang gumising na.

Nang medyo mahimasmasan na ako ay kinuha ko na ang towel ko at naligo.

After taking a bath ay pumili ako ng susuotin. Parang gusto kong mag-hoodie ngayon kaya, I wore a rose pink hoodie with a print 'babysitter' on the center and a pajama. Total sa bahay lang naman kami e.

Ito yung hoodie na gift sa akin ni Lari noong recent birthday ko. Nagustuhan ko talaga kasi favorite color ko ito and the printed word suits me well.

Nang makapagbihis ay nagsuklay and i put a little bit amount of powder and liptint.

And boom. Bababa na.

Nang makababa ay dumiretso akong kusina at naabutan ko si manang na inaayos ang mga plato kaya nilapitan ko siya at tumulong.

"Magandang umaga po, manang!" bati ko sakaniya.

"Oh hija, andiyan kana pala." as usual na reply niya.

Itong si manang talaga palaging ganiyan ang reply.

"Opo, tulungan ko na po kayo!"

"Kay sipag na bata, oh siya sige kukunin ko na din ang mga kanin at ulam." natutuwang sabi niya.

Kaya naman pinagpatuloy ko ang pag-aayos sa mga plato, baso at kubyertos.

Maya-maya pa ay dumating si Tita Reliza.

"Good morning sweetie and Manang." bati niya sa amin. "You're early Haley, ang sipag ng baby girl namin." sabi niya pa at umupo sa upuan.

Ngumiti naman ako sakaniya. Nahihiya, char.

Kasunod niya naman na dumating si Tito.

"Good morning!" bati niya sa amin at humalik sa pisngi ni Tita pagkatapos ay umupo narin.

Sweet.

Nilapag ni Ate Cary ang coffee nila Tita Tito at pagkatapos ay ang gatas ko naman at kay Raven.

Dumating si Raven na mukhang bagong ligo ata. Kagabi, umiyak ako sa confrontation ko sakaniya. But still, i decided na i-disregard ko na lang iyong nangyari, wala namang mababago sa pagtingin niya sa akin kung iiwasan ko siya.

"Good morning, Haley." aniya.

Tumawa naman si Tita.

"Bakit kay Haley ka lang nag-greet? Favoritsm kana, anak?"

Pumula tuloy ang pisngi ko. Shet, sabi nang wag kang mag assume self e!

"Good morning, everyone." tamad niyang bati sa kanila.

Naku! Sinong hindi magiging assumera sa ganiyan hindi ba?

"Oh napipilitan ka lang na batiin kami. Pero kay--" sabay tumingin sa akin si Tita.

Yumuko tuloy ako.

"Hon, hayaan mo na. Nagbibinata na siya." sabi pa ni Tito kay Tita at pagkatapos ay tumawa sila.

Usually, ay sumasali ako sa tawa nila pero hindi ako makatawa ngayon. Paano ako tatawa? Eh alam ko naman na kapatid lang ang tingin niya sa akin.

Buti nalang at nilapag na ni manang ang mga pagkain. Kaya dumiretso nalang ako ng kain.

"Ang sarap talaga magluto ni manang!" pag-iiba ko sa usapan.

"Haley, alam ko naman na... iniiba mo lang ang usapan." nang-aasar ang tingin na sabi sakin ni Tita tapos lumingon siya kay Tito. "Hon, nagdadalaga at nagbibinata na nga sila. I'm so happy." kunwari ay naiiyak na sabi niya kay Tito.

Babysitting Mr. Childish (Childish Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon