Chapter 37

1K 51 6
                                    

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa tunog na nanggagaling sa phone ko.

Kinuha ko ito habang pumipikit-pikit pa ang mga mata ko at humihikab. I'm still sleepy.

37 missed calls.
13 new messages.

5 missed calls from Larina.
2 missed calls from Ate.
30 missed calls from unknown number.

May message din sa akin si Larina kaya ito ang una kong binuksan. Tinext ko kasi siya kagabi at ngayon ko pa lang makikita ang reply niya.

From: Larina

'Slr. I was with Rogie and i'm shookt!'

'Let's talk tomorrow, oh my gosh!'

Anyare sa babaeng 'to? May something happened ba? Hmm.

I replied 'ok, see u.' lang sakaniya. Binuksan ko naman ang message sa akin ni Ate, nagulat pa ako kasi himala at nag-text sa akin.

From: Atennoying

'Lele, ang rupok ko. Bakit ganon?'

'Nakakahiya!'

Napatawa ako at napailing. Hay naku Ate. Hindi na ako nag-reply sakaniya kasi alam ko naman na alam niya na ang sagot sa tanong niya.

Then, next kong in-open ang messages from unknown number.

From: Unknown Number

'Where are you? This is Raven btw.'

'Let's talk please, it's not what you think.'

'Hey, did you went home already?'

'I'm sorry baby, let's talk.'

'My Haley, I still want to talk to you.'

'Let's talk please.'

'Are you mad?'

'Can I go to your condo?'

'Baby, please reply ka naman :<'

At sunod sunod na missed calls na ang ginawa niya. Kaya pala ako nagising. Pero what really caught my attention was his first text.

It was him.

'Yong unknown number na nag-text sa akin.

Shet!

Tumunog ulit ang phone ko at dahil sa gulat ay napindot ko bigla ang 'answer' button.

"Hello..."

Shet. Hindi ko alam anong sasabihin ko, ang husky pa ng boses niya.

Naku naman, lakas maka-teen fiction ang lagay ko ngayon.

"Haley..."

"S-sino 'to?"

"Baby, it's me."

"Excuse me, but i'm not a baby. Maybe you dialed the wrong number. Bye!"

"Wait! Haley naman! Miss na miss na kita at kanina pa ako tumatawag tapos babaan mo agad ako. You're so bad, Haley."

Napangiti ako bigla sa sinabi niya. I missed him, at mas na-miss ko ang kunwari ay pagtatampo niya.

Napapikit ako sa kilig.

"Ano bang kailangan mo?" kunwari ay cool na tanong ko kahit kinikilig na.

Parang kanina lang ay galit ako sakaniya. Anyare? Mas marupok ata ako kay Ate e.

"You. I need you."

"Tss."

"Haley, I am outside."

Babysitting Mr. Childish (Childish Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon