Chapter 17

1.3K 58 0
                                    

1st day ng Final examination today! I hope magbunga naman ang utak ko kahit papano. I hope hindi guluhin ni Raven ang puso at utak ko ngayon.

I brought many chocolates. Feel ko mas gagana utak ko pag kumain ako ng mga ito. Char.

Nasa harapan ko na ang test paper. Earth and Life Science ang unang subject na sasagutan namin. Goodluck to me!

Nagsimula na akong sumagot.

Hour passed.

Grabe, ang tagal ko talagang sumagot. Chineck ko kasi talaga ng mabuti. It's 100 items kasi. Doon ako nalula sa physics. Daig pa ang Math, grabe!

Tumayo ako at pinasa na ang test paper ko.

There are two subjects na sumunod and then lunch break na.

"Parang matutuyo na ang neurons ko sa Statistics and Probability e." reklamo ni Rogie.

"Don't worry babe, it won't happen haha." cheer-up sakaniya ni Larina.

"Itong si Raven bro super kalmado lang. Lodi talaga haha!"

Inirapan lang siya ni Raven.

Nakakapagtaka talaga, napaka-suplado niya sa iba. Tapos snob.

Naalala ko tuloy iyong last time, tinanong kasi ni Larina kung bakit naging babysitter ako ni Raven e ang malaki naman daw siya at hindi naman mukhang childish.

Ang mature daw kasi kausap tapos cold din daw, dapat kong childish daw siya edi dapat oa type daw ang galawan niya and makulit. Pero hindi naman daw ganoon ang napapansin niya kay Raven.

Tumawa lang ako kasi ang layo ng description niya sa Raven na kilala ko.

Pero come to think of it, sa bahay pag kaharap niya sa manang ay matino siya. Hindi mo mapapansin na childish pala siya. Sa mommy at daddy niya, napakatino niyang kausap. Sa family ko naman, matino din siya kausap kahit bini-baby siya nila mama.

Pero kapag sa akin, napaka childish niya. Tinatapon niya ang gatas niya kapag kasama ako, sobrang inosente tapos palaging nakanguso. And then palaging nagpapa-baby!

Am i just imagining things?

Pero hindi e, kagabi nga ang seryoso niya parang nag-mature mode na naman siya.

"Haley girl?" tapik ni Larina sa balikat ko.

Kaya napatingin naman ako sakaniya.

"Tulala ka, iniisip mo ba 'yong mga answers mo Statistics and Probability haha?"

"Ah, kinda. Baka kasi marami akong errors e."

Pero ang totoo, hindi naman talaga iyon ang iniisip ko.

"Naku Haley girl, ikaw pa! Sa sipag mo na'yan, hindi ako magtatakang baka mai-perfect mo pa nga iyon haha."

"Sanaol makaka-perfect. Wait, nasaan pala sina Raven and Rogie?"

Wala kasi sila sa table namin.

"They bought water lang tapos pagdating nila ay babalik na tayo sa classroom haha."

"Okay."

Ngumiti lang siya at nagpatuloy sa kinakain.

Minutes passed ay dumating na nga sina Raven.

Inabot ni Raven sa akin ang isang bottled water.

"Thanks, Raven."

"Welcome."

"Tara guys, balik na tayo classroom." aya ni Rogie.

Sumang-ayon naman kaming tatlo sakaniya at bumalik na sa classroom.

Babysitting Mr. Childish (Childish Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon