Chapter 5

2.2K 94 0
                                    

"Finally! Tapos na ang exam haha!" sigaw ni Lari na nakataas ang dalawa niyang kamay habang naglalakad kami sa hallway.

"Feel na feel mo talagang sumigaw ano, Lari. Sanaol makapal ang confidence!" sabi ko kay Larina.

"Ay oo naman Haley girl, masaya ako e. Atsaka i don't care kung mabingi sila sa sigaw ko, masaya ako at no one can stop me haha!" confident niyang sagot pero bigla nalang sumulpot si Rogie sa likod niya at binara siya.

"Ikaw lang ang masaya. Pagpatuloy mo." si Rogie na parang galit.

Hala siya, bakit ngayon ko lang siya napansin kahit magka-klase naman kami.

"Hala, omg! It's you pala Rogie, yeah pagpatuloy ko talaga ang kasiyahan ko haha."

Parang hindi ata napansin ni Larina na parang galit si Rogie. O baka napansin niya, sadyang palagi lang talaga siyang masaya.

"Nakakainis ka, di ka nag-reply kagabi. Halika mag-usap tayo!" dabog ni Rogie. "Sandigo, una muna kami nitong bestfriend mo, kailangan lang namin mag-usap. Bye!" at hindi na nakaalma si Larina. Kinawayan nalang niya ako at kinawayan ko naman pabalik. Sandigo talaga tawag niya sa akin.

Sayang, manonood sana kami ng sine. Pero wala e, may epal.

And speaking of epal, asan na si Raven?

Huminto ako sa paglalakad at lumingon sa likod para tingnan kung nasaan si Raven.

Pero paglingon ko ay muntik ko na siyang mahalikan. Takte, nasa likod ko lang pala ang damuho na 'to. Bakit kasi hindi man lang siya binati ni Rogie? Mga lalake talaga, male sa English.

"Yes, Haley. Any problem?" inosente niyang tanong.

Tinalikuran ko muna siya bago sumagot. Nakakailang ang lapit niya sa akin.

"Wala, akala ko di ka sumunod." mahina kong sagot.

Bigla niya akong inakbayan. Nagulat ako at napatingin sa paligid. Buti nalang, nasa parking lot na kami ng Gilden High.

"I'm always on your side, Haley." sabi niya sabay wink.

Anong nangyayari sakaniya?

"Tigil tigilan mo nga ako. Tsaka uuwi kana ba agad? Since tapos na ang exam, papayagan kitang gumala!"

Bigla siyang tumigil sa paglalakad at humarap sa akin.

"Really? Yes! Then what about going to the mall?" natutuwa niyang suggest.

"Anong gagawin mo sa mall?" tanong ko.

"Manood tayo sine at arcade tayo please."

"Sige, game ako."

"Yehey, i'm excited. Tara na!"

Sakto at nasa tapat na kami ng kotse nila.

Pagkapasok namin ay sinabihan niya kaagad si manong Adis.

"Manong, sa Mall po muna."

"Sige po, Sir."

And then the car started to move.

"What do you want to watch, Haley? I want to watch Horror. Do you?"

"Ayoko, hindi ako mahilig sa horror!" angal ko.

"But i want to watch horror, please pumayag ka. Andito naman ako kaya wag kang matakot." tapos ngiti-ngiti siya.

Ano bang nakain? Nang-aasar ba siya, pero inosenteng inosente ang pagmu-mukha niya.

"Hindi ako takot, ayoko lang talaga." tanggi ko na naman.

"Then, let's watch horror. Okay?"

"Sige na nga!" I surrendered.

"Yes!" napasuntok pa siya sa ere at pagkatapos ay sumandal siya sa akin.

At ayun na naman ang nagwawala kong heartbeat. Ano bang nangyayari sa akin?

Parang OA ko naman yata? Nilihis ko nalang ang iniisip ko at tumingin sa daan.

"Haley?"

"Hmm?"

"Do you have a crush?"

Huh? Hanudaw? Crush? Meron ba?

"Hindi ko alam." 'di ko sure na sagot.

"Why don't you know?" tanong niya naman at dinungaw ako.

Shet, ba't ba siya ganiyan. Ang lapit ng napaka-gwapo niyang mukha sa'kin!

"Teka, bakit moko tinatanong? May crush ka ba?" tanong ko pabalik. Tapos bahagya ko siyang tinulak.

"Yes, I have." diretso niyang sagot.

Nanlaki ang mata ko at parang bigla akong nalungkot. Sino naman kaya ang crush niya!

"Sino?"

Ngumuso siya. "Secret."

"Edi waw, congrats!" walang gana kong sagot.

Hindi ko alam pero parang biglang dumagan ang mundo sa akin at sumikip ang dibdib ko. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko.

Hanggang sa makarating kami sa mall ay wala akong gana. Habang nanonood kami ng sine ay wala parin akong gana. Imbes na matakot si Raven sa palabas ay tumatawa pa siya, ako naman walang pake.

Matapos naming manood, pumunta kami sa arcade. Nilaro na namin ang lahat, wala parin akong gana.

Napaisip tuloy ako kung bakit ako nagkakaganito. Hindi kaya, may gusto ako sakaniya?

Imposible!

Pero may nakita akong babae na mukhang kinilig kay Raven ay nainis ako. Arte naman!

Napansin ni Raven na parang wala ako sa mood. Hindi ko siya sinasagot ng maayos kaya nagalit siya.

Nakasimangot si Raven sa akin ng makauwi kami.

Pinagsisipa niya ang mga damo sa labas ng bahay nila at nagdadabog siya pagkapasok ng bahay.

"Bakit ka ganiyan, Haley? Parang hindi ka naman masaya, nakakatampo ka. Parang wala akong kasama kanina, nagtatampo ako sa'yo!" reklamo niya at dali-dali siyang umakyat patungo sa kwarto niya.

Sinundan ko lang siya ng malungkot na tingin. Ayaw ko man, pero parang may na-realized ako.

Hindi naman kasi ako slow, pero paano?

Isa lang naman ang dahilan kung bakit nawalan ako ng gana. Dahil hindi ko alam sino ang tinutukoy niyang crush niya, hindi naman big deal pero naiinis ako. Kasi gusto ko ako, ngayon ko lang din na-realized na kaya pala walang pinapansin na babae si Raven sa school dahil napapansin niyang parang naiinis ako.

Ngayon ko lang ito napagtanto. Gosh, bakit kasi gusto ko pala siya? At ngayon ko lang nalaman.

Babysitting Mr. Childish (Childish Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon