Chapter 20

1.2K 58 7
                                    

Tahimik lang kaming nakaupo ni Raven sa duyan.

Dalawa ang dahilan kung bakit ako tahimik. Una, dahil hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. Pangalawa, nakaakbay siya sa akin.

Paano ba kumalma?

Nilingon ko siya at paglingon ko ay nakatingin din pala siya sa akin kaya tumingin ako agad sa harap. Ang lapit niya naman kasi.

"Haley..."

Sure akong nakanguso siya ngayon, base sa tono ng boses niya.

"Haley..."

Napakamot ako sa ulo ko at dahan-dahang lumingon sakaniya. Huhu sana hindi ako mautal sa lapit namin.

Shet, ang hirap niyang tingnan sa mata.

"A-a-ano?" utal na utal na tanong ko.

"Don't you want to say something?" nakangusong tanong niya.

"H-hindi ko a-alam sasabihin ko..."

At kumamot ako ulit sa batok ko. Wala naman akong kuto.

"Do you know that i have to use google to confirm what i really feel because i don't want you to think na i'm being childish lang." isip-batang sabi niya.

Eh sure ba talaga siya? Sorry naman.

"A-ano kasi..."

"Say something."

"A-anong nga ang sasabihin ko?"

"Why are you asking me?"

"Eh kasi. Nagulat ako kaya hindi ko alam ano ang sasabihin ko."

At kinamot ko na naman ang ulo ko. Tae, yung scalp ko masusugatan pa ata.

"Stop scratching your head. You might get hurt." sita niya at tinanggal niya ang kamay kong nakapatong parin sa ulo ko.

At pinag-intertwined niya ang kaliwang palad ko at kanang palad niya. Para tuloy siyang nakayakap sa akin. Kingina po!

"H-huy, b-bitawan mo nga ako."

"No. You're going to scratch your head again."

"H-hindi na. Titigil naku, l-lumayo ka lang ng konti."

"No."

"Para makapag-usap tayo ng matino!"

"Still no. We can talk like this."

Ginamit ko ang right ko para ikamot sa ulo ko. Mechanism ko kasi ang pagkamot sa ulo pag kinakabahan at naiinis.

"Eh naiilang ako!"

Pinagbitaw niya ang mga palad namin at hinuli niya ang dalawang palad ko at tuluyan na nga akong nakulong sa yapos niya. Putek na'yan!

"Wala kang kuto kaya walang dahilan na kamutin mo ang ulo mo kasi masusugatan ka. And we're going to talk like this!"

Bakit ang seryoso niya? At bakit parang ako ang nagiging childish ngayon?

Parang gusto ko kasi magdabog at napapanguso kasi... kinikilig ako. Shet!

"Let's talk about my confession." aniya sa gitna ng katahimikan.

"Nag-confess ka pala?" timang na tanong ko.

"Haley, i'm being serious."

"Seryoso?"

"If you won't talk to me properly then i don't have other choice but to kiss you again."

Ha? Hangin please. 'Wag ang halik please, nakakaubos ng hangin.

Napalunok tuloy ako at napatango.

Babysitting Mr. Childish (Childish Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon