Epilogue

2K 75 4
                                    

Finally, nasa Epilogue na nga! Sa lahat ng sumuporta at patuloy na nagbabasa ng storya na ito. Maraming salamat po talaga. I really wrote this story sincerely, and this is my first ever finished novel.

Sana magustuhan niyo ito!

-----

I like her.

That's the thought that immediately sank in my mind at my first glimpse of her.

"Haley, kausapin mo muna si Raven at maghahanda muna ako ng pananghalian."

I don't really like their place. It's just full of trees and I can't hang around. Of course, it's a province.

But when I saw her. I don't think I can go back to the mansion without getting her attention.

Especially now that I found out na, ayaw niya sa akin. Hindi niya ako pinapansin. Heto nga at kinailangan pa siyang utusan ng Nanay niya para lang kausapin ako.

Pinanood ko ang pagtungo ni Tita sa kusina bago tumingin ulit sa babaeng hindi man lang ako magawang silayan. Sa upuan lang siya nakatingin at para bang wala siyang pakealam sa akin.

I suddenly want to get wild just to get her attention. Pero, ayoko naman na maging masama ang tingin niya sa akin.

After a week of staying in their place, ay hindi niya pa rin ako masyadong pinapansin. Isang araw, nang maglaro sila ng taya-taya ay sumali ako. Ngunit mali ata ang naging desisyon ko kasi sumali din ang ibang mga lalaki. At lahat sila, parating si Haley ang pinagkaka-interesan na i-taya.

Not because they loathe her, but damn! Her beauty is always getting on the way. Nakakapanghinayang na hindi ka niya mapansin.

Nahabol ni Rhey si Haley at nahawakan niya ito sa balikat.

"Taya!" tumatawa pa ang gago. Binilang ko ang segundo na lumipas at ino-obserbahan kung bibitawan niya ba agad si Haley.

Pero ang gago ay nanatiling nakahawak kay Haley!

Nilapitan ko sila at tinanggal ang kamay niya sa balikat ni Haley. Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata niya.

"Anong problema mo?" inis na tanong niya.

Hindi ko siya pinansin at hinila si Haley paalis doon kahit pa medyo nagpupumiglas siya.

Nang medyo makalayo kami sa kaibigan ay binitawan ko siya at pinakinggan ang mga sermon niya.

"Ano ba?! Bakit mo ako hinila e naglalaro pa tayo! Raven naman!" Galit na galit siya pero tahimik lang ako habang napapangiti.

Hearing her voice calling my name feels like sweeter than the milk. I really like it when she calls my name.

But after that incident ay mas lalo siyang naging malayo sa akin. Mas hindi niya ako pinapansin at ako naman ay parang mas mababaliw sa galit.

Damn! I'm too young. So, why I am so problematic about Haley?

I thought of that habang nakatingin sa kapatid niyang umiinom ng gatas. Hindi ko alam pero bigla akong napatitig sa gatas at napa-isip ng isang ideya. Na baka sa paraan na ito ay mapansin niya ako. At ang atensiyon niya ay makukulong lang sa akin.

Nag desisyon ako na pumunta sa kusina. Saktong pababa si Haley sa hagdanan at papunta rin sa kusina.

Kumuha ako ng baso para magtimpla ng gatas. Para gumana ang plano ko ay sinakto ko ang paglingon niya banda sa akin at bumuhos ng malaking gatas sa baso ko.

"Magdahan dahan ka nga. Huwag mong ibuhos lahat!" sita niya at lumapit sa akin.

Napangisi ako sa isip ko.

Babysitting Mr. Childish (Childish Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon