Chapter 27

950 54 0
                                    

Welcome to San Fajardo

Pagbasa ko sa signboard na nasa taas ng overpass.

On the way na ako sa amin. Si Manong Adis ang naghatid sa akin.

Raven was so hesitant pa nga na pauwiin ako e, baliw talaga.

Ang ganda talaga ng ambiance ng lugar namin. Semi-city and semi-province siya.

Nasa Fajardo Village ang bahay namin. Hindi naman kami mayaman, iyon lang ang natatanging asset namin.

At ayon nga one hour ang time measurement sa layo nito from Rozega Subdivision. Oo po, sila Raven ang may-ari ng subdivision na tinitirhan nila. And yes their family business ay housing and real estates.

One hour and thirty minutes naman ang layo nito from our school. The Gilden High University na pag-aari ng isa sa mga friend ni Raven na hindi ko close. Minsan ko na din siyang nakita na kasama nila Raven pag nagba-basketball sila. I think he was Kaven ata.

The reason kung bakit pinatira muna ako nila Tita sakanila ay malayo talaga ito sa amin. Sakanila, 20 minutes lang ang byahe.

Wala kasing school na malapit sa amin na may senior high curriculum. College lang ang meron. And one of the reason ay para na din mabantayan ko si Raven. Babysitter nga kasi ako ng damuho.

Sa pagmumuni-muni ko ay hindi ko namalayan na nasa loob na pala kami ng village. Natatanaw ko na ang ilog sa bandang likod mg bahay namin. Bakit kaya may ilog diyan ano? Ah basta.

Pinark ni Manong ang sasakyan niya nang makarating na kami sa harap ng bahay namin.

"Nandito na pala tayo!"

Binuksan ko ang pintuan ng kotse at bumaba.

"Andito na ako!"

Tumawa naman si Manong Adis sa akin.

"Manong, salamat po sa paghatid. Teka po, gusto niya po bang mag-agahan na muna sa amin?"

Umiling siya.

"Walang anuman. At huwag na Miss, kumain naman ako kanina."

Sagot niya habang nilalapag ang mga bagahe ko sa tabi upuan sa labas ng bahay namin.

"Okay po, manong. Ingat po kayo sa byhae pabalik. At maraming salamat po talaga sa paghatid!"

Tumango lang siya at ngumiti pagkatapos na sa sasakyan nila Raven at pinaharurot na ito paalis.

Ganoon talaga si Manong, medyo snob. Pero mabait siya. At matagal na siyang driver ng family nila Raven. Mula bata pa ata kami. Kaya pamilyar na siya lugar namin kasi siya ang naghahatid kay Raven noon na palaging pumupunta sa amin.

Napabaling ang tingin ko sa pintuan namin ng marinig kung bumukas ito.

Tumawa ako nang makitang parang pinipilit ni ate na palakihin ang mata niya para masigurong andito talaga ako.

"Huy Lele, andito ka?"

Obvious naman po.

"Hindi ko alam. Hindi ba halata?"

"Hala, nandito na nga ang panget na kapatid ko. Nay, tay, Ani. Nandito po si Haley!" sigaw niya sa loob pagkatapos ay patakbong lumapit sa akin.

Mabilis niya akong niyakap at kumalas naman agad.

Nagpapayakap naman ako sa family ko pero alam nilang hindi ako sanay.

"Huy, mas kuminis ka ah. Pero ganun parin naman, ikaw si Haley."

"Alangan namang maiba ang pangalan ko porke medyo kuminis ang balat ko? Baliw ka din talaga ate."

Natatawang inirapan niya lang ako.

Babysitting Mr. Childish (Childish Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon