Chapter 24

1K 48 0
                                    

Pagkatapos ng dinner ay nagpaalam na sila Tita para umuwi.

Lumapit sa akin si Daven.

"Haley, we're going home. We haven't talk much because that Raven is an epal!"

Halatang naiinis talaga siya.

"Naku, pasensya ka na kay Raven ha? Ingat kayo sa pag-uwi."

Niyakap niya ako at kumalas din naman agad.

"I really want to have a private time with you kanina pero epal si Raven. If he's not my pinsan, i will definitely punch him."

"I'm sorry din talaga. At huwag kayong mag-aaway please?"

"Yeah, i won't. I'll do it, for you. Just tell me if that guy is hurting you."

Tapos umaksyon pa siya na para talagang manununtok.

"You don't have to worry. Hindi naman ganun si Raven."

Napatango naman siya.

"That's good. Good night, Haley."

Ngumiti ako sakaniya.

"Good night. Good night din po Tita, take care."

Lumapit ako kay Tita at nakipag-beso sakaniya.

"Good night, hija."

Kahit napipilitan ay nginitian ko na din si Myra.

Nagulat ako ng lumapit siya sa akin at bineso ako.

Pero may binulong siya.

"You're such a flirt."

At nakangisi siyang kumaway sa akin.

Blangko lang ang tingin na tinapon ko sakaniya at hindi nalang pinansin ang sinabi niya.

Nang makaalis sila ay nilapitan ako ni Tita.

"Haley, i saw that girl rolling her eyes at you kanina. Inaaway kaba niya Haley?" bigla ay tanong sa akin ni Tita Reliza.

Lumingon naman ako sakaniya at ngumiti.

"Naku Tita, hindi naman po. Baka naduling lang siya."

Napatawa tuloy siya.

"Just tell me if that girl is treating you rudely. You're my baby girl na din. You know naman na your mom is like a sister to me na din."

At niyakap niya ako.

Ang sweet talaga ni Tita.

Niyakap ko din siya pabalik.

"Maraming salamat po sa lahat ng kabaitan niyo po sa akin. Thankful po ako palagi dahil sa inyo."

"You are always welcome. You are part of the family, Haley. Kung pwede nga, kayo nalang ni Raven."

Nagulat naman ako sa sinabi niya.

Kumalas siya sa yakap at nanunuri ang tingin niya sa akin habang nakangiti.

"Wait, since nag-uusap ang mag-ama. Pwede bang mag-kwentuhan din muna tayo?"

"Siyempre naman po."

Umupo kami sa sofa sa kanilang living room.

"So, nanliligaw na ba ang anak ko sayo?"

Napakamot naman ako sa ulo ko.

"P-po? Hindi naman po."

"Ay hina naman ng anak ko. Parang hindi--"

Hindi niya natuloy ang sasabihin niya.

"Ano po iyon?"

Babysitting Mr. Childish (Childish Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon