Chapter 4

2.4K 91 0
                                    

Kinaumagahan ay puyat ako. Napuyat ako kakaisip kung bakit nagiging weird ang paningin ko kay Raven magmula ng niyakap niya ako kagabi. Pero...

"Raven!!!" sigaw ko sa pangalan niya.

Kailan ba tatanda ang isang 'yan? Tinapon na naman niya ang gatas niya. Grabe, parang magkakaroon ako ng heart attack sakaniya.

"Raven! Bakit mo na naman sinayang ang halaga ng gatas sa sahig?!"

May hugot ata ang sinabi ko pero pwede naman niyang linisan to diba? Pero mas pwede namang di niya sinasayang ang gatas diba? Napaka, talaga ng childish na 'yun!

"Oh hija, andito ka na pala." pagpansin sakin ni Manang kaya nilingon ko siya.

May bitbit siyang panglinis ata sa gatas na natapon ni Raven. Naku ka talagang lalake ka, babatukan kita mamaya!

"Ah oo manang. Magandang umaga po, nasaan po si Raven?"

"Magandang umaga, hija. Nandoon sa garden si Raven. Ako na bahala dito hija, mabuti pa't sabihan mo 'yun na maghanda kamo kasi may pasok pa kayo." sabi pa ni manang.

"Sige po, pasensiya na po. Sige po ha, puntahan ko muna siya." nakangiti kong sabi kay manang at tumungo na patungong garden.

Pagkarating ko sa garden ay doon nakita ko siyang nagdidilig ng halaman. Pero yung katawan niya basang-basa. Dito pa ata naligo.

"Raven!" tawag ko.

Lumingon siya sa akin at ngumiti.

Pagkalapit ko sakaniya ay binatukan ko siya.

"Bakit mo na naman tinapon ang gatas mo ha?!"

Ang aga aga, ang lakas niyang mang-inis.

Napakamot siya sa ulo niya na binatukan ko.

"I'm sorry, i'm sleepy while holding it so the glass slipped off to my hand and that's it." parang bata niyang sagot.

"Na naman? Pero sana nilisan mo man lang, diba? Nakakahiya kay manang, ang laki mo na kaya."

Napasimangot ako.

"Sorry, Haley..." pero nakangiti siya. Parang tanga.

"Tss. Bakit ka nandito? May pasok tayo Raven, pasok na para makaligo at makakain kana." naka-pameywang kong sabi.

"Eh, i'm already taking a bath here. Look!" at pinaagos ang hose sa katawan niya. Hay naku!

Napatingin ako sa tubig na umagos mula sa ulo niya pababa sa katawan niya at inangat ko ulit ang paningin ko.

"Raven, umayos ka. Pumasok kana, pag hindi ka pumasok... Lagot ka sakin, baka ma-late tayo!" aniya ko at pumasok na sa loob.

Kainis, bumabakat yung hulma ng katawan niya sa basang damit niya. Bakit ang kisig niya kahit childish siya? Ngayon lang ako na-inform. Hindi ako fan ng lalaking may abs, pero bakit nakakatuksong tingnan ang--- awat temptation, lumayo ka sa'kin.

Nababaliw na rin ata ako.

--------

"Tomorrow is your examination day. Study and good luck! See you on monday! Class Dismissed!" Mrs. Malegana said.

Tumayo ako at nag-inat. What a tiring day! Bukas na ang exam kaya dapat nirerelax ko 'tong utak ko at nilalayo from temptations.

"Haley girl, una naku ha? Magre-review pa ako e, di ako naka-review kahapon kasi you know, busy sa pakikipag-chat haha. Mwah!" paalam ni Larina sa akin.

"Naku, mabuti nga. Mag study ka ha, wag puro chat Lari please. Ingat!" sagot ko at nag-flying kiss sakaniya.

Pinanood ko siya hanggang makalabas siya sa classroom and then sinuot ko na rin ang bag ko.

Nilingon ko si Raven sa likod ko at natawa ako sa itsura niya.

"Anyare sayo?" tanong ko habang natatawa, mukha siyang natatae e.

"Haley, my stomach hurts." aniya at hinawakan ang tiyan niya.

"Baka, natatae ka haha."

"No, i'm not. It really hurts... ang magmahal ng ganito!"

Yung natataeng mukha niya ay napalitan ng nakatawa. Natawa na rin ako kasi kinanta niya ang usong kanta ngayon.

"It's a prank, Haley!" natatawa niyang pahayag.

"Ay weh? Prank pala 'yun? Hindi halata."

"Aish! Atleast i made you laugh!"

"Ewan ko sayo. Tara na nga sabi!" at nauna na akong lumabas sa classroom.

Kami nalang natira sa classroom kaya may gana siyang mag-joke. Snob kasi talaga at very quiet 'yan sa school. Ewan ko nga bakit sa bahay lang 'yan isip bata.

Pagkarating sa bahay ay inaya niya ako sa sala.

"Haley, let's watch a movie!" excited pa siya niyan.

"Ano? Hindi pwede may exam tayo bukas kaya kailangan mag relax ng mga utak natin at para naman magbunga ng answers sa test."

"Eh, it's still early. Let's watch a movie please. Sige na Haley." tapos pinag- intertwined niya ang dalawang palad niya na parang nagdadasal.

Seryoso siya niyan? Ang tigas ng ulo.

"May exam tayo bukas sabi e!"

"Maaga pa nga, pumayag kana Hailey."

"No, i need to preview my notes baka may nakaligtaan akong lesson. At dapat nag-study karin!"

"But i want to watch a movie, Haley." nguso niya.

"Let's watch it if tapos na tayo mag-exam, okay?"

Tumango siya.

"Okay. I want milk."

At as usual ay kailangan niya ang mahalaga niyang inumin.

"Wag kang magkalat ng gatas Raven, sinasabi ko sayo." banta ko.

"I won't." sagot niya.

"Siguraduhin mo lang, magtatampo talaga ako!"

Biglang nanlaki ang mata niya sa isinagot ko.

"Promise, i won't waste my milk. Don't get mad, Haley." pagmamakaawa niya na parang bata.

"Okay, sige ipagtitimpla na kita."

Natawa naman ako sakaniya pagdating ko sa kusina. Mukhang ayaw ata ng childish na iyon na magtampo ako.

Babysitting Mr. Childish (Childish Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon