Chapter 29

814 50 0
                                    

Six pm na in the evening pero wala parin talagang paramdam si Raven.

Gusto ko sana siya tawagan or i-text nag-aalala na din ako bakit hanggang ngayon ay hindi niya ako tini-text, pero hindi ko alam paano ko siya ico-contact e.

Nagtatampo ako. Nagtatampo ako sakaniya, dahil sa dami ng birthdays kong nagdaan, sa 18th birthday ko pa talaga.

Siya pa naman ang pinaka-nagpapasaya sa akin bukod sa family ko, pero wala siya dito. Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko lang.

Nakaupo ako ngayon sa labas ng bahay namin, sa may upuan. Tinatanaw ang mga bituin sa langit.

Tama nga yung hinala ko noon, na mapapatingin ulit ako sa langit na maluluha. Pero ayoko, birthday ko e. Ba't ako iiyak?

Alas diyes na ng gabi ay nanditito parin ako sa labas ng bahay namin. Inaya ako nila nanay kanina mag-hapunan, pero sinabi kong busog pa ako. Ang totoo, wala akong gana.

Pero nagtataka ako, bakit kaya hindi man lang napansin nila nanay na wala dito si Raven.

Oo nga naman, baka may importanteng lakad si Raven at iyon ang iniisip nila. But usually kasi, magtatanong talaga iyan sila.

Iniiling ko nalang ang ulo ko at pumikit saglit.

Isang minuto siguro akong nakapikit at napadilat kasi parang may nararamdaman akong liwanag na umiilaw sa paligid.

And as soon as i opened my eyes. Colorful lights occupies the whole surroundings of our yards. Consoling music crossed to my ears, as the cold breeze of the wind whispers to my ears. I felt the tingling feeling brought by the mastermind.

Kulay rose pink at lavander ang lights sa paligid. Bumagay sa mala lilac na kulay ng gabi.

May mga lamesa at upuan sa paligid. Ang disenyo ay parang pang fairytale. Hindi ko alam saan nagmula ang mga iyan sa pagpikit ko lang ng isang minuto. Natanaw ko ang napakalaking cake sa gitna, kulay rose pink at may candles. Probably, 18 candles.

Hindi ko alam kung paano nila na-organized ito sa loob lamang ng isang minuto. Ni hindi ko talaga napansin.

Nasa twenty plus ang bilang ng mga tao bigla. Nakita ko sila nanay, ate at Aniyya sa malayo. Naka-gown sila ng kulay rose pink. Nakita ko din si Tito Jaime at Tita Reliza. Tita Chandy and her husband, even Daven are here.

Lumapit sa akin ang aking tatay at binigyan niya ako ng isang rosas na kulay rose pink, ang paborito kong kulay.

Nakangiti niyang inabot ang aking kamay para isayaw ako. Hindi ko tuloy napigilan maiyak.

"Oh anak, huwag kang umiyak. Pasensya na at napilitan lang ako sa plano nila."

Natawa tuloy ako habang lumuluha parin ng mumunti.

"Ang lakas din talaga ng trip ng damuho na 'yon. Gabing-gabi na tsaka pa siya nagaganito."

"Sinong damuho? Si Raven ba?"

"Opo."

"Ay ang anak ko confident na si Raven nga ang may pakana nito."

Ngumuso ako.

"Biro lang anak. Huwag kang magalit kay Raven. Hindi dahil boto ako sakaniya, kung hindi dahil nakita ko talaga kanina na determinado siya sa lahat ng ito para lang ma-surpresa ka sa isang napakahalagang kaarawan mo."

Makikita mo talaga sa mukha ni tatay na talagang masayang-masaya siya sa amin ni Raven.

"Opo, tay. Medyo nagtampo po ako kanina pero nang makita ko ito ay napawi ang tampo ko."

Babysitting Mr. Childish (Childish Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon