Chapter 8

1.9K 72 4
                                    

Umuwi na si Nanay nang malapit ng mag lunch. Kumain kami at pagkatapos ay nagpaalam kami na maglalakad-lakad muna kami. Pinayagan naman kami ni Nanay.

Kasama namin si Aniyya at papunta ngayon sa parke na malapit sa may Poblacion ng San Fajardo. Magpi-picnic kami doon.

Habang naglalakad kami ay maraming bumabati sa amin nila Raven. At dahil palagi ko siyang kasama kahit saan noon ay marami na ding nakakakilala sakaniya. Marami pa ngang nagkakagusto niyan, pero deadma lang sila kay Raven.

Snob kasi iyan at baka ako talaga ang gust---charot.

Naghanap kami ng magandang spot at sa malaking espasyo ng bermuda grass kami nakaupo. Tanaw dito ang mga naglalarong mga bata. Nagkakasiyahang pamilya at pati narin ang naglalambingang magka-sintahan.

Uso din pala iyan?

Nilatag ko ang mat na dala ko. Naupo naman agad kami ni Aniyya habang nilalapag naman namin ni Raven ang mga dala namin.

"I miss this place, Haley." pagsasalita ni Raven habang umuupo sa nilatag kong mat.

"Ako din, sobra." sagot ko.

Si Aniyya ay tinawag ng mga kaibigan niya kaya nakipaglaro siya sa mga ito.

"Remember when we were still kids, palagi tayong naglalaro dito. Tapos umiiyak ka palagi pag may nakakaaway ako dito." pagku-kwento niya.

Umiiyak talaga ako noon pag may kaaway siya. May mga nakikipaglaro kasi sa akin na mga batang lalake pero hindi siya pumapayag. Hindi ko alam bakit ayaw niyang pumayag na makipaglaro ako sa iba na may kasamang lalake. Kaya iniiwasan ko nalang noon na makipaglaro sa mga batang lalake para lang hindi siya mapaaway.

"Bakit kasi ayaw mong pumayag na makipaglaro ako sa mga batang lalake? Wala namang masama doon, diba?" curious kong tanong.

Sumimangot siya at napa-kunot noo.

"Hindi pwede, sakin ka lang dapat makipaglaro." angal niya naman agad.

Gusto kung ngumiti sa reaksyon niya.

"Bakit nga?" at habang tinatanong ko iyon ay nakatitig ako sa mga matatayog na puno sa dulong bahagi ng kinauupuan namin. Makulit rin na hinihipan ng hangin ang mga buhok ko na kumikiliti sa mukha ko.

"I just don't want someone that can make you smile. Ako lang dapat magpapangiti sayo." nguso niyang sagot.

Mababaw naba ako kung mas lalo akong nagkaka-gusto sakaniya dahil sa mga reaksyon niya? Sobrang possessive niya kung susuriin.

Pero alam mo yung masakit? Ang katotohanang kapatid lang ang turing niya sa akin. Isip bata siya kaya alam kong protective lang siya sa akin gaya ng pagiging protective ko sakaniya.

Nilingon ko siya nginitian ng mapait. Hindi niya iyon nakita kasi nakatanaw siya sa mga batang naglalaro.

Ang lapit lapit niya sa akin. Kaya siguro ako nagkagusto. Bunos pa ang nakakabighani niyang pagmumukha. Ang ganda ng mga mahahabang kumukurap niyang mga pilik-mata. Ang mga mata niyang palaging namumungay. Wala akong masabing masama sa hugis ng ilong niya, tsaka ang mga labi na iyan na para bang---

Bigla siyang napalingon sa akin kaya napaiwas ako ng tingin.

Na-guilty ako bigla.

"Are you staring at me?"

Kunwari ay hindi ko siya narinig at tumayo.

"Hayyy!!! Napaka-sariwa naman ng hangin dito!" at idinipa ko ang dalawa kong kamay.

Pumikit ako at nagdasal. Sana balang araw, maging masaya din ang puso kong nagkakagusto na.

Bigla kong naramdaman na may kumiliti sa akin. Muntik na akong matumba mabuti nalang at nasalo ako ni Raven.

Nagkatinginan kami at napaisip ako na sana ganito din gawin niya sa feelings ko.

Nakatitig lang kami sa isa't-isa na para bang nakalimutan ko na siya ay si Raven ang dakilang childish, at ako si Haley na kaniyang babysitter. Para kaming nagsasayaw sa gitna ng maraming tao.

Nagsasayaw ang mga makukulit na hangin at naririnig ko din ang mga mapanuksong huni ng mga ibon sa kalangitan at dama ko ang liwanag na haplos ng araw.

Pero walang makakatalo sa parang charger na kamay na nakapulupot sa akin ngayon. Tila ba nadagdagan nito ang enerhiya ng pagkakagusto ko sakaniya.

Naputol lang ang titigan namin ng dumating si Aniyya.

"Ate, Kuya. Nagsasayaw ba kayo?"

Umawat ako kay Raven at hinarap ang kapatid ko. Kumakabog pa ng sobrang bilis ang pintig ng puso ko.

"Naku hindi, muntik na kasi akong matumba kasi kiniliti ako ng damu--- este ng Kuya mo."

Napataas ng kilay ni Aniyya.

"Eh bakit ang tagal niyo naman atang nagtititigan?"

Namula ako sa sinabi ng kapatid ko.

"Namula ka bigla, Ate."

Narinig kog napatawa si Raven sa likod ko. Ang batang ito kasi ay masyadong madaldal.

"Mainit kaya. Tara nga muna at kumain na muna tayo."

Nakanguso naman na kumain nalang din si Aniyya.

Ako naman ay hindi makaharap kay Raven. Kahit mukhang wala lang naman iyon sakaniya.

"Hmm... It's delicious!"

Kita niyo na? Mas magkaka-interest pa iyan sa pagkain kaysa sakin. Umiling nalang ako at kumain na rin.

Babysitting Mr. Childish (Childish Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon