Chapter 19

1.1K 60 1
                                    

"Welcome to Gates of Paradise Beach Resort!" hyper na sigaw ng aming President.

Nandito na kaming lahat sa may beach banda. May ia-announce lang sa amin si Ericka before kami maliligo lahat.

"Guys, ears on me!"

Pumalakpak pa siya para maagaw ang atensiyon ng lahat.

"May pa-games ako mamayang 10:00 am. Pero sa ngayon, maligo na muna tayo woooo!"

At nagtampisawan na nga ang karamihan sa tubig.

Si Larina ay as usual na hinila na naman agad ni Rogie para makaligo na.

Nilingon ko si Raven na nasa tabi ko lang. Actually, nahihiya ako kung paano siya kausapin. Hindi rin niya ako masyadong pinapansin magmula noong pag-uwi namin galing sa mall with Lari and Rog.

'You are special to me... romantically.' parang nag-echo nalang bigla ang sinabi niya sa akin last time sa mall. Kinakabahan ako.

Kinulbit ko siya kaya naman nilingon ako ng mukha niyang inosente na bahagyang may pagtatanong ang mukha.

"A-ano... maliligo ka ba?" utal na pagkakatanong ko.

"Maybe later."

"S-sige. Sabihin mo lang p-para mabantayan kita."

"Okay."

"Sige, punta muna ako doon sa may duyan ha?"

Tumango naman siya kaya agad akong tumalikod at nagtungo na nga sa may duyan.

Pagkarating sa duyan na nakasabit sa magkabilang puno sa gilid ay umupo ako dito.

The other day ay super excited ako for this upcoming event pero ngayon ay medyo hindi ko feel. Ano kasi e, bakit ang cold na naman sa akin ni Raven? May nagawa na naman ba ako? Ang sabi niya pa ay hindi na niya uulitin maging cold. Hays.

Napabuntong-hininga ako ng malalim.

"Ang lalim ah! Parang hinigop lahat ng hangin sa mundo haha."

Napalingon ako sa pamilyar na boses na iyon at natanaw ko na naman si Lhaven kaya napangiti ako.

"Uy, andito ka din?" gulat na tanong ko.

Lumapit siya at tumayo sa harapan ko. Baka kasi masipa ko siya kung lalapit siya. Kaya pinahinto ko nalang muna ang duyan.

"Siyempre naman! No big deal ha, pero bakit parang destiny tayo?" biro niya.

"Tse! Destiny ka diyan. Coincidence lang nga!"

"Oo na. Indenial ka e!"

"Huy baliw! Haha."

Tumawa siya at hinawakan ang duyan tsaka ito tinulak upang mapalakas ang pag-swing ko na siyang ikinatawa ko ng malakas.

"Ang cute mo tumawa, Haley. Parang crush ko na ang tawa mo."

"Salamat haha."

"Huwag ka ngang tumawa baka hindi lang tawa mo maging crush ko." biro niya pa.

"Baliw! Wait hinaan mo nga muna, bababa ako."

Pero nilakasan niya pa ang pag-swing sa akin.

"Huy baliw! Isa!"

Tumawa siya at inasar pa ako.

"Dalawa." asar pa niya.

"Dalawa! Tigil mo please, nakakahilo haha."

At sa wakas ay tinigil naman niya ito.

Tumayo ako mula sa duyan at binatukan siya.

"Aray! Sorry na haha." sapo niya pa ang ulo niyang binatukan ko.

Babysitting Mr. Childish (Childish Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon