[31] Ally is Sick

22.5K 882 423
                                    

Avril's PoV:




Dahan-dahan akong nagmulat ng mata. Umaga na pala hahaha. I glanced at the clock on my side table at nakitang past 8am na rin.




Ang sarap sarap talagang matulog. Nakakarelax hihihi. Confirmed na talaga. Isa na to sa favorite kong gawin sa araw-araw.





Nabaling ang aking atensyon nang maramdaman ang isang kamay na lumingkis sa aking bewang. Nagitla ako bigla.



Shems. Kanino naman kaya to? Owemji. Don't tell me nasa ibang unit ako natulog kagabi? O kaya naman baka may nakapasok na someone dito?



Naging alerto ako bigla. Gay Scout--- I mean Girl Scout ako eh.



Nako ipapajombag ko talaga to kay Barney. Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung bakla ba talaga ang dinosaur na yon. Aish ayoko na ngang isipan ang ganong bagay. Sa susunod na lang.




Dahan dahan akong nagbaling ng aking tingin sa aking katabi. Napahinga naman ako ng maluwag nang makita kung sino ito.



Si Allyson lang pala hahaha... Akala ko kung sino na. Gosh.




Pero wait lang. Ano nga uling ginagawa nya dito? At bakit nandito sya sa tabi ko?




Suddenly, memories of what happened yesterday flashes in my mind. Yown. Mabuti naman at naalala ko.




Pero hmm... I really wonder kung bakit sya pumunta dito sa unit ko. At talagang sa kalakasan pa ng ulan sya pumunta ha? Hayst. Medyo matigas talaga ang ulo ni Allyson. But I guess, nahaluan na rin yun ng alak hahaha.



Nabalik ang aking atensyon nang marinig kong magsalita sya.




"Avril... Don't leave me." I heard she whispered at mas hinigpitan pa ang pagkakakapit sa akin.



She's sleep-talking. Does that mean na kahit sa pagtulog, iniisip nya pa rin ako?




Napakagat-labi ako bigla. Gosh. Hindi ko maexplain kung anong mararamdaman ko. I'm really flustered. Kinikilig ba ako?




Nasapo ko bigla ang aking sarili. Mas lalong lumalala ang guilt na nagbubuild-up sa akin. I know na ako talaga siguro yung may mali. Ako lang yung parang nagpapalala nung sitwasyon eh. Mygoodness Avril.




That's it. I already made up my mind. Papakinggan ko na yung explanation nya.




I glanced at her. Infairness ha, ang amo ng mukha nya. Pero pag gising naman pang dragon hahaha.




Hay nako. Kahit na ganyan si Allyson, I can't deny na I really love her. Ewan ko ba. Basta bigla ko na lang naramdaman hahaha. Aish. Ayoko na ngang magsalita pa.



Naputol ang aking pag-iisip nang makitang unti-unting nagbukas ang talukap ng kanyang mata. Automatic na napalihis ako ng tingin.



"Are you like making titig ba sa akin?" Tanong nito. Ugh. Eto na nga ba ang sinasabi ko eh. Pero wait lang. Paano nya kaya nalaman yun? Hmm...



"Hala... Hindi kaya!" Mygoodness. Why do I sound so guilty? Paniguradong mahahalata nya yan. Ang hirap naman kasi ideny eh hmp kaasar.



"Tss. Stop making sinungaling nga. Well, hindi rin naman kita masisisi cause I'm too gorgeous talaga." Mataray nitong saad sa akin.


Napailing na lang ako sa kawalan. Hay nako. Hindi ata mawawalan ng kahanginan sa katawan ang babaeng to hahahaha.




She was about to stand up nang makita kong napaupo sya bigla. Agad kong dinaluhan sya. Ano naman kayang nangyari?


Dealing with Allyson GothamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon