Avril's PoV:
Sunod-sunod na tawag mula sa aking cellphone ang syang nagpagising sa akin. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at bumangon. Well, umupo muna ako sa headboard ng aking kama.
I noticed na umaga na pala. I quickly glanced at the clock at nakitang past 6:30 am na pala.
Suddenly, narinig kong nagring na namang muli ang aking cellphone. Hindi ko maiwasang mapakunot-noo.
Sino naman kaya ang tatawag ng ganitong kaaga?
I sigh in relief nang makita kung sino ang caller. Ay sus. Yung labidabs ko lang pala hahaha. Shems, parang kinikilig ako bigla hihihi.
I composed myself first bago tuluyang pinindot ang answer button.
"Hello Love-- err Ally.." Natuptop ko bigla ang aking sarili dahil sa nasabi. Gosh. Ang aga aga Avril ha. Ang harot harot mo.
I heard she giggled. [I heard that ha.]
Pakiramdam ko'y nag-init bigla ang aking pisngi. Mygoodness. Bakit ko naman kase nasabi yun? T_T
I hissed. "Bakit ka naman tumatawag ng ganto kaaga ha?" At ginawa pang masungit ang aking tono. Syempre, para hindi nya na rin ungkatin pa yung kanina hahaha.
[Excuse me? Did you just make sungit to me ha? As far as I remember, I'm the only one who have rights to be masungit and mataray here.]
Lihim akong napatawa. Parang naiimagine ko bigla kung anong itsura nya ngayon. For sure, nakakunot na naman ang noo nya hahaha.
"Really? Kung ganon lang din pala edi maghiwalay na tayo para—"
[What the hell?! Sa tingin mo ba papayag ako Avril ha?] Ramdam na ramdam ko ang diin sa bawat salitang binibitawan nya.
I gulped. "Love nagbibiro lang ako. Wag ka namang magalit dyan."
[Tss. You should be Avril. At talagang hindi ko hahayaan na mangyari yun. Duh. Wala nang bawian pa.]
Hindi ko maiwasang mapangiti. Hayst. Eto na ata yung timatawag nilang kilig. Argh. Nakakainis naman si Allyson huhu. Ay slight lang pala ako naiinis sa kanya.
I'm really into her.
"Goodmorning Love." Malambing kong turan. Katahimikan ang namayani sa kabilang linya.
Hindi ko maiwasang mapakunot-noo. Agad kong chineck ang aking cellphone. Hmm... Hindi pa naman naatatapos yung tawag namin ah.
.
Suddenly, I heard a loud squeal from her line.
"Allyson what happened? Bakit bigla bigla kang tumitili dyan ha?" Of course nag-aalala ako. Baka mamaya may nangyaring masama eh.
[I... Ahm... D-Don't make isip about that Avril. Wala lang yon.]
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil don. Whoo! Good for her. Pero bakit naman kaya? Aish. Hindi ko na dapat pang isipin yun.
[Good morning too. Don't forget na you'll make sundo sundo me here ha.] She said. Muntik ko nang makalimutan yun ah.
"Yes po boss!" At nagsalute pa kahit na hindi nya ako nakikita.
BINABASA MO ANG
Dealing with Allyson Gotham
Teen FictionAllyson Gotham, a bitch in the campus. Kilalang-kilala na patay na patay sya kay Axle Cooper, ang kilalang playboy sa kanilang campus. Mas lalong uminit ang ulo ni Allyson nang malaman na may girlfriend na si Axle. Avril Sky Claveras, a badminton pl...