[2] Meet Avril

31.7K 1.2K 582
                                    

Avril's PoV:

"Bestie Avril!!!"

Kahit malayo pa lang ay kilalang-kilala ko na kung sino ang sumigaw ng pangalan ko. A smile formed automatically on my lips when I saw someone running towards my direction.

I was about to say something nang mabilis ako nitong dinamba ng yakap.

"Hindi naman halatang namiss mo ako." Biro ko kay Julie. Nakita kong napanguso sya. Gosh. Ang cute nya talaga.

Ramdam na ramdam ko ang kakaibang pagtibok ng puso ko. Parang isinali ako sa isang marathon. Napakabilis ng pintig.

I shrugged off those thoughts and focused my attention on her.

She's Julie Rose Mercado. My bestfriend since highschool. Yup. Ang tagal na noh? Kaya nga siguro hindi ko napigilan 'yung sarili ko na mainlove sa kanya.

Tama kayo nang nabasa. I love this girl. I'm inlove with my bestfriend. I don't know how and when. Basta one day, nagising na lang ako na may feelings na pala ako sa kanya. Ang cliche diba?

Aish. Ang sweet nya kasi kahit na alam kong ganto talaga ang ugali nya. I know that I shouldn't feel this way dahil unang-una ay pwedeng makasira ito sa friendship namin. Pangalawa, alam kong wala naman akong pag-asa sa kanya. She's straight. Well, parehas lang naman kami pero bumaliko ako.

"Best, natulala ka na sa akin. Crush mo ko noh?" Nakangising saad nya at inilapit pa ang mukha sa akin.

Fudgee Bar! Nakatulala na pala ako sa kay Julie. Agad akong nag-iwas ng tingin dahil pakiramdam ko'y nag-init ang aking mga pisngi dahil sa sinabi nya.

"Huh? Asa ka. Hindi tayo talo. Hmp." Nagsusungit-sungitan kong sagot. Whoo. This is my defense mechanism to not sounds guilty. "Lumayo ka nga. Ang init na oh." I added.

Natatawa naman syang nagbawi. And I'm here, busy staring at her. I'm mesmerized by her beauty. Sa totoo lang, ang sarap pakinggan ng tawa nya lalo na't ako pa ang dahilan.

Suddenly, she took a glance at her phone. Marahil ay may nagtext sa kanya. Isang ngiti ang nakita kong sumilay sa mukha ni Julie habang nagtatype. Mukhang may hinala na ako kung sino ang katext nya.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng selos. And I hate myself for feeling that kind of thing. Tsk.

"Ang lawak ng ngiti ah." Kantyaw ko pa. Sige, Avril Sky Claveras. Saktan mo pa ang sarili mo.

"Wala. Nagtext kasi sa akin si Axle." Ramdam ko ang saya sa tono ng boses nya. She looks so inlove with him.

"Are you sure na seryoso na talaga sayo ang Axle na 'yan, ha? Kilalang playboy sya rito sa campus." Naiinis kong saad. Well, ayaw ko lang kasing masaktan si Julie. Wala eh. Mahal ko 'yung tao.

"Relax, Bestie. He said naman na serious na sya sa akin and I trust him with that."

"Tsk. Malalagot talaga sya sa akin kapag nagloko ang lalaking 'yan." I exclaimed. Marahang hinaplos ni Julie ang aking kamay. Nagrambulan bigla ang buong sistema ko dahil sa ginawa nya. Simple lang pero ang lakas ng impact sa akin.

"Kapag nagloko sya, edi inom tayo." Napailing na lang ako sa kawalan.

"Oh sya sige, pupuntahan ko muna si Babe. Namiss daw ako eh. Gusto mong sumama?"

"Ahm... Wag na. Baby time nyo na 'yon." As much as I wanted to accept her offer, I declined it. Mas lalo lang akong masasaktan kapag nakita mismo ng aking mata na naglalandian sila.

Julie bid her goodbye to me bago nagtungo sa building ni Axle. I glanced at my watch at nakitang magtatime na rin. Hmm... I guess, I'll just spend my remaining time sa classroom.

By the way, My name is Avril Sky Claveras. You can call me Avril. 19 years old. I'm currently in my second year in college sa Aresian University. As usual, Business Ad ang tinetake kong course. I like playing badminton and sa totoo lang ay player ako rito sa University.

I'm single and I think, alam nyo na kung anong dahilan. But kung meron man kayong irereto, why not?

Naisipan kong magrestroom muna dahil may madadaanan ako while on my way. Might as well composed myself first bago tumuloy sa first class ko.

As I opened the door, I suddenly bumped into someone.

*Boogsh!*

"Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?!" Aba't, galit na galit agad si Ate Girl. Umagang-umaga pero ang init na ng ulo nya. I glanced at her and I know now kung bakit.

Tsk. Kaya naman pala eh. Si Allyson naman kasi itong nabangga ko.

—_—

"It's a mere accident lang naman. Relax." I said to her. Nakita kong nagsalubong na ang kanyang dalawang kilay. Marahil, nagulat sya sa aking tinuran.

"You, bitch! How dare you to talk back to me huh?!" Nanggagalaiti nitong saad.

Siguro kung iba ang nakabangga sa kanya ay maiihi na sa takot. Pero ibahin nya ako. Anyways, halos lahat ay ilag at takot sa kanya. Once you get on her way, magtago-tago ka na dahil hindi sya titigil hangga't hindi ka nya napapahirapan.

But I'm not one of them. Sino ba sya para katakutan?

"Kalma, okay? Nabangga lang naman kita." Saad ko. Dahan-dahang kong ipinatong ang aking kamay sa kanya. I started to caress her hands. Kakaibang sensasyon ang naramdaman ko nang maglapat ang balat namin sa isa't isa. Parang nakuryente ako bigla. Geez. What's with her?

I saw how her mouth gaped. It looks like she felt it too.

"What the hell?! Fuck. How dare you touch my hands? Eww! Baka mamaya, there are germs on your kamay pa eh." At agad na hinawi ang kamay ko. Tsk. Ang arte ha. Ang linis-linis nito.

"Bahala ka na nga riyan. Aalis na ako." I said.

"Yah, wait! Hindi ka man lang ba magsesaid ng sorry sa girl like me?"

"Bakit? Babae ka ba?" Balik-tanong ko sa kanya.

In an instance, I jut felt the she slapped my face. Ouch, ang sakit. Parang naalog bigla 'yung utak ko sa ginawa nya. Parang volleyball player kung manghampas.

"Aray. Kailangang manampal agad? Tsk. Malay ko ba kung nagpasex change ka." I said habang hinihimas ang mukha kong sa tingin ko ay namumula na ngayon.

"Really? You thought that I'm a freaking guy? I wouldn't mind slapping you again, bitch!" She hissed at akma na naman akong sasampalin. Mabuti na lamang at naging maagap ako. Agad kong pinigilan ang kanyang kamay at hinila sya papunta sa akin.

Her arms were placed around my shoulder habang ang kamay ko naman ay nasa kanyang bewang.

I can smell her sweet scent. It's addictive. Ramdam ko ang kakaibang pagkabog ng aking dibdib. Mas mabilis ito kung ikukumpara kay Julie. Siguro ay kinakabahan ako sa nangyayari.

"Stop slapping me, Ally. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." I said at alam kong napasinghap sya sa aking tinuran.

"W-Who a-are you to make utos to me?" Nauutal nitong saad. Woah. For the first time, nagstutter sya. Mygoodness. Ang galing mo naman, Avril.

"If you want to know my name, I'm Avril." I said and blew some air on her ear. Naramdaman kong napahigpit ang pagkakapit nya sa aking balikat.

"I guess, we should continue this next time. May class pa tayong kailangang puntahan." At dahan-dahang lumayo sa kanya. Allyson was still shocked. That's my cue para tumakas na.

"Ciao~" Mabilis akong tumakbo papalabas ng comfort room.

Gosh. Ano bang ginawa mo, Avril?

_____//_____

Edited - you might have noticed na nawala ang ilang mga comments sa chapter na 'to.

Dealing with Allyson GothamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon