Avril's PoV:
I woke up at automatic na pinakiramdaman ang katabi ko. Hindi ko maiwasang magtaka na hindi ko man lang sya mafeel. Kinapa-ka ko rin ang aking side ngunit wala talaga. Wait don't tell me panaginip lang lahat ng yon? Aish sayang naman kung ganon. Ang ganda eh.
Pero sa pagkakaalam ko naman ay lahat ng yon ay nangyari. Hmm... Siguro maaga lang talaga umalis si Ally at hindi na nakapagpaalam sa akin.
I hope maulit pa uli yung date namin hihihi. It's so fun at talagang nakakaenjoy kasi. Gosh, one of my most memorable day with her. Yay!
Ilang minuto muna akong humilata sa aking kama, nakatulala lang sa ceiling bago ko tuluyang naisipan na bumangon. Napatingin naman ako sa orasan. Maaga pa namana. I composed myself first bago dahan dahang lumabas ng aking room.
Hindi ko maiwasang mapakunot-noo nang maamoy ko ang isang mabangong aroma. Saan naman nanggaling yon?
I decided na pumunta ng kitchen dhail may naririnig akong mga tunog na nanggagaling don.
Automatic na nanlaki ang aking mata at napanganga ako bigla dahil sa aking nakikita. Gosh. Totoo ba to? Baka mamaya nasa dreamland pa uli ako ha?
I saw Ally's back and it seems like she's cooking something. May mga nakahanda na ring plato sa table. Tao na lang ang kulang.
I decided to pinched myself. Baka sakaling magising ako bigla. Pero hindi, hindi pa rin sya nawala sa kanyang pwesto.
Kinusot ko bigla ang aking mata. Baka kase mamaya ay naghahallucinate lang ako. Ngayon, isang nakapameywang na Allyson ang nakita kong nakaharap na sa akin ngayon.
"What are you doing? You're like nagiging crazy na ba ha?" Tanong nya sa akin. Ngayon ko lang napansin na may hawak-hawak pala syang kutsilyo.
I gulped. Nakakatakot kase yung way nung pagkakahawak nya. Parang any time ay mananaksak sya bigla.
Suddenly, she pointed it to me. "C'mmon tell me. Don't be shy. Gusto mo bang magcall ako ng mental hospital para they make dala na you there?" Dagdag pa nya.
Umiling ako bigla bilang sagot.
"Wait. Time first lang muna Ally. Pwede bang ibaba mo muna yang hawak-hawak mo? Baka mamaya kase ay matulak ka ng kapwa mo demonyo at maibato mo bigla sa akin yan?" Mahabang litanya ko. Napaarko bigla ang isa nyang kilay. Mygosh umagang umaga. Sana hindi na naman kami mag-away nito. Ceasefire muna dapat.
Napahinga ako ng maluwag nang makitang inilapag na nya ang kanyang hawak na kutsilyo malapit sa sink. Whoo! Buti naman at sinunod nya ako.
"Talagang maibabato ko to sayo kapag pinainit mo yung ulo ko." Masungit nyang saad sa akin. Nakakatakot talaga sya huhuhu.
"Grabe ka naman atsaka hindi pa naman ako nasisiraan ng bait hahaha... Hindi lang talaga ako makapaniwala na ginagawa mo to." Natatawa kong saad sa kanya. Napakacrossed-arms sya bigla habang nakikinig sa akin.
"Mukha atang maganda ang gising mo ngayon at nasa mood ka." Dagdag ko pa.
"Bakit? You have angal ba ha?" Mataray nyang tanong sa akin. Dapat pala hindi ko na binati sya hahaha. Parang napansin lang eh hmp.
"Make upo na nga lang dyan nang magstart na tayong kumain." She said. Napatango tango na lang ako habang sinusunod sya. Gosh. Hindi ko to inexpect.
BINABASA MO ANG
Dealing with Allyson Gotham
Teen FictionAllyson Gotham, a bitch in the campus. Kilalang-kilala na patay na patay sya kay Axle Cooper, ang kilalang playboy sa kanilang campus. Mas lalong uminit ang ulo ni Allyson nang malaman na may girlfriend na si Axle. Avril Sky Claveras, a badminton pl...