Avril's PoV:
Ilang linggo na rin matapos magsimula ang plan/pretend 'kuno' namin. And yes, out na sa University. Iba't iba ang naging reaction ng students. Mayrong nagulat kung saan kasama rin ako hahaha... Till now, hindi pa rin talaga ako makaget-over sa fact na yon.
Imagine, kilalang pinakamaarte at maldita sa school nyo magiging girlfriend mo diba. Hayst, ewan ko ba.
On the other hand, mayron ding mga hindi natuwa. Of course expected na namin yon. They say na 'sayang kami'. I don't have any comment with that dahil unang una ay may masasabi at masasabi pa rin sa'yo ang mga tao.
Aish. Enough na nga sa pag-iisip ng ganyan Avril.
Anyways, I'm here at nakahilata pa rin kahit na tanghali na. Well, wala namang pasok kaya okay lang hahaha. Saturday naman ngayon eh. This is one of my favorite day dahil naeenjoy ko ang quality time ko.
Speaking of, hmm... Why not mag punta na lang ako ng mall tutal wala naman akong gagawin? Nang makapag relax relax man lang ako hahaha.
Buti na lang at hindi ko makikita at makakasama ang demonyitang yon. Isa pa yang babaeng yan eh, kinareer na talaga ang pagiging alalay ko. Hayst. Alam kong may mali rin ako kase sinusunod ko sya. Tsk nakakaasar. Tapos minsan hindi ko pa sya maintindihan. Ang gulo nya eh.
Buti na lang at medyo mabait si Yvotte. Oo medyo lang.
Minutes later, naisipan ko nang bumangon and take a bath. Isang simple pero presentableng damit na lang ang isinuot ko. I glanced at my wristwatch. Mag papast 1 na rin pala.
I took a one last glimpse on the mirror bago ako tuluyang lumabas ng aking unit. Of course, sinigurado kong naka lock yon dahil mahirap na at baka mapasok ng magnanakaw.
Agad akong nagpara ng taxi ng may makita ako. Well sad to say, hindi ko magagamit ang car ko dahil coding sya ngayon. Awts gege.
In no such time, nakarating na rin kami ng mall.
"Eto po yung bayad manong." Nakangiti kong saad sa driver. Napangiti na lang din si manong bago tuluyang tinanggap ang bayad.
Puro magkakasintahan agad ang una kong napansin sa mall. Napalinga linga ako sa paligid at halos lahat ay couples ang naandito ngayon.
Napakunot-noo ako bigla. Malayo pa naman ang Feb. 14 ah. Geez.
These things call me single in many ways.
Bahala na nga sila dyan hmp. Tamang
sana all na lang ako sa gedli hahaha...I decided na pumunta na lang muna ng deparent store dahil ito ang unang una kong nadaanan. Napatingin naman ako sa mga damit. Nagdadalawang isip ako kung bibilan ko na ba ng gift si Julie. 3 weeks na lang din kasi at mag bibirthday na sya. I decided na dress and necklace na lang ang ibibigay ko sa kanya.
Napunta ako bigla sa dress section. Masasabi kong magaganda ang mga ito at magaling ang mga nagdesign pero kase hindi ko tipo yung mga ganto. Ewan hahaha. Hindi lang ako masyadong sanay magsuot ng dress.
Lalapit na sana ako sa isang rack upang kuhanin ang isang damit nang may mahagip ang aking mga mata.
O__O
Tangene. Pati ba naman dito makikita ko ang babaeng yon?
Argh. Ayaw ko pa naman syang masilayan geez.
BINABASA MO ANG
Dealing with Allyson Gotham
Teen FictionAllyson Gotham, a bitch in the campus. Kilalang-kilala na patay na patay sya kay Axle Cooper, ang kilalang playboy sa kanilang campus. Mas lalong uminit ang ulo ni Allyson nang malaman na may girlfriend na si Axle. Avril Sky Claveras, a badminton pl...