[17] Drunk Girlfie

22.4K 928 121
                                    

Avril's PoV:



"Bestie okay ka na ba?" Tanong ko kay Julie ngayon. Hindi ko maiwasang mag-alala sa kanya.


Nakita kong ngumiti sya pero halata namang pilit.


"Okay na ako bestie. Pwedeng pwede na uling gumala." She said at nagthumbs-up pa sa akin. Napailing na lang ako sa kawalan. Mahilig kase syang pumunta sa kung saan-saan hahaha.



I looked directly at her eyes. Mamula mula pa rin ang mga ito na halatang kagagaling lang sa iyak.




To tell you honestly, kanina pa ako dito. She called me na pinapapunta dito sa unit nya. I know that's the time there's something wrong with her. Kilalang kilala ko na ata tong si Julie. At hindi nga ako nagkamali. She said na ilang araw na raw silanh may tampuhan ni Axle. Hanggang don lang ang sinabi nya. I won't force her naman to tell me the whole story.



I heaved a sigh.



"Okay ka na ba talaga? Baka gusto Mong contact-in ko na si Axle?" Paninigurado ko sa kanya. Nakita kong nanlaki ang kanyang mga mata at agad na umiling.




"No! Wag na Avril but still thank you for that." She answered. Oo nga naman. Mas maganda na yung hindi na ako makielam pa sa kanila.



"Sige na. Uwi ka na. Gabi na rin oh baka mamaya may multo na dyan sa daan." Dagdag pa nya at sabay kaming napatawa.


Napatingin tingin ako sa paligid. Wala na akong masyadong makita na tao na naririto. I glanced at my wristwatch. 11:30pm na rin kasi.



Suddenly, isang ring ang narinig ko. Parang naestatwa ako bigla. Fudgee bar! What was that? Sa pagkakaalam ko ay ako lang ang nandito ngayon sa elevator.

Nanlaki bigla ang mata ko. Don't tell me may m-multo???



MOMMY!!!


Napatingin ako bigla sa cellphone kong nagvavibrate. Nakahinga ako ng maluwag. Whoo! Sakin pala nanggagaling yung ring.



Mygoodness. Tinakot ko pa yung sarili ko hahaha.



Hindi ko maiwasang mapakunot-noo nang makita ang caller.


Ano na naman kayang kailangan ng isang to? Gabing gabi na ah. Wait. What if may nangyari sa kanyang masama? Hindi ko maiwasang makadama ng pag-aalala.


I exited first the elevator before answering Allyson's call. Yeah. Sya nga ang tumawag sa akin.

"Hello Ally."

[A-Avril? Is that... you?]

I can hear na medyo maingay ang nasa paligid nya. Don't tell me nasa bar sya ngayon. Lasing ba sya? "Yeah it's me. Anong nangyari sayo?"


[Make punta here... please.] Natigilan ako bigla. She just said that magic word again. Napapikit ako ng mariin.


"Okay. Hintayin mo ko dyan. Just text me the details mkay." Hindi ko talaga sya kayang tiisin. There's something on me na ayaw syang hindi-an.


Agad akong nagsimulang magdrive nang maitext nya na sa akin kung nasaan sya. I hope she's safe. Mabilis ko lang ring akong nakapunta dahil medyo malapit lang naman ito. Idagdag mo pang wala ng masyadong sasakyan ang nasa kalsada.



I scanned the place. Kalimitang mga teenager katulad namin ang naririto ngayon.


Palinga linga pa rin ako hanggang makita ko na ang isang babaeng kung uminom ay parang wala ng bukas. Hayst. Ano bang trip neto ngayon?




Dealing with Allyson GothamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon