Avril's PoV:
"Okay ka na ba Ally? Nakaayos na ba ang mga gamit mo? Wala kang naiwan?" Tanong ko kay demonyita. Nakita kong napaismid sya bigla.
Naririto ako ngayon sa bahay nila para sunduin sya. Ngayon na kase ang schedule ng vacation namim. Of course, with Julie and Axle.
"You're like unli ba ha? Paulit-ulit? I'm done at okay na nga." Masungit nyang saad sa akin at napahalukipkip pa. Okay may point sya don hehehe. Medyo pahiya ng konti hahaha.
Napakamot na lang tuloy ako sa aking ulo. "Sorry na. Naniniguro lang naman ako eh. Baka mamaya kasi mag-ala dragon ka na naman kapag may kulang sa gamit mo."
Inikutan nya lang ako ng mata at nagcrossed-arms pa talaga. Umiling ako sa kawalan. Wala talagang pinipiling oras ang attitude nya hahaha. Anytime, anywhere lang ang peg.
"Tara na nga." At iginaya sya sa aking kotse. Nakakailang hakbang na ako nang maramdaman kong hindi pala sya nakasunod sa akin.
Napabaling ako ng tingin sa kanya and there I saw her, nakacrossed pa rin ang dalawa nyang kamay ngunkt nakataas na ang isa nyang kilay.
"You're not gonna help me man lang sa pagcarry ng mga things ko?" She said while directly looking at me.
Napakunot-noo naman ako. "Why would I? Eh sa'yo namang gamit yan."
I heard she groaned at nagsimulang nagpapadyak. Lihim akong napatawa. Para kase syang bata hahaha...
"Argh! You're so nakakainis talaga! Gosh. Wala man lang kagentle gentle sa katawan." Nakasimangot nyang saad sa akin. Hindi ko na napigilan pa ang pagkawala ng aking tawa.
Minutes later ay tumigil na rin ako.
"Pfft--- Akin na nga yan. Baka mamaya umiyak ka pa eh." Pang-aasar ko sa kanya. Nakita ko ang pagsama ng mga tingin na ipinupukol nya sa akin.
"Baka gusto mong ikaw ang umiyak sa ating dalawa dahil dito." At itinaas pa ang kanyang kamay.
Nanlaki bigla ang aking mata at agad na umiling.
"I-Ikaw naman Ally oh. Hindi ka naman mabiro." Kinakabahan kong turan sa kanya. "Sabi ko nga tutulungan na kita. Ako na ang magbibitbit nyan." Dagdag ko pa.
Isang nang-aasar na ngisi nag nakita kong sumilay sa kanyang labi. "Wala ka pala eh. Tss loser."
Now it's my turn para mapasimangot. Hmp. Pasalamat talaga sya at may takot ako sa kanya. Well may isang salita kase si Ally at base pa lang sa tono nung pagkakasabi nya kanina, halatang gagawin nya yon.
Nako po, ayaw ko namang masampal o masuntok nya noh. May pagka volleyball player at boksingera pa naman sya. Kawawa naman ang cute kong face pag nagkataon huhuhu. Parang naiimagine ko bigla gosh.
Mabuti na lang talaga at hindi masyadong marami ang dala dala ni Ally ngayon. Hindi ako mahihirapang magbitbit hahaha...
Minutes later ay naayos ko na rin ang lahat. Agad akong pumunta sa driver's seat at nagsimula nang magdrive papunta sa bahay ng aking bestfriend.
Yup. Don kasi ang meeting place namin. So bale, iiwan ko na lang ang sasakyan ko sa kanila. We decided kase na isang kotse na lang ang gagamitin papunta sa destination namin. It's a good thing dahil sama-sama kami.
BINABASA MO ANG
Dealing with Allyson Gotham
Teen FictionAllyson Gotham, a bitch in the campus. Kilalang-kilala na patay na patay sya kay Axle Cooper, ang kilalang playboy sa kanilang campus. Mas lalong uminit ang ulo ni Allyson nang malaman na may girlfriend na si Axle. Avril Sky Claveras, a badminton pl...