[19] Call is the Cause

21.5K 934 135
                                    

Avril's PoV:


*Kring*


Nanlaki bigla ang mata ko nang bigla kong narinig ang tunog na yan sa aking phone. Oh shoot!



Hindi ako nag-atubiling pindutin ang decline button ng call. Unti-unti akong nag-angat ng tingin at nakakitang karamihan sa mga kaklase ko ay nakatingin sa akin.




Napapeace-sign na lang ako sa kanila. "Sorry hehehe." I said. Shems nakakahiya!



Sino kaya yung tumatawag? Ugh nasa gitna kami nang pagtetetake ng exam eh. Geez. Buti na lang at lumabas ang prof. namin ngayon. May pagka masungit kase yon eh. Siguradong mapapalabas ako non pag nagkataon.




Agad kong pinagpatuloy ang pagsagot ko. Gosh. Siguro ay nakaka 3/4 na ako. 20 minutes na lang ang remaining time namin. Well, I know kaming lahat ay nahihirapan hahaha. Monthly assessment kase to. Parang summary nang napag-aralan namin sa isang buwan. Etong subject na to lang ang may ganto kami. Naks special hahaha.




*Kring*




Again, I quickly pressed the decline button. Napatungo na lang ako. Obviously, nakahatak na naman yon ng attention nila.



Gosh.



"Oh anong tinitingin nyo kay Miss Claveras?" Nakataas kilay na tanong ng prof. namin. Shems. Nandito na pala sya. Sana naman hindi na uli magring ang cellphone ko. Kung sino man po yung caller, sana naman pumanig ka sa akin huhuhu.




Hindi pa natatapos ang isang minuto nang bigla na naman tumunog ang aking phone.



*Kring*




"Miss Claveras Get out!" Matalim na saad ng prof sa akin. Napakagat-labi na lang ako sa kawalan. Hayst, mukha atang hindi pumapanig ang tadhana sa akin.



Kahit gusto kong mag-explain, buo na ang decision ni prof eh.



Napahilamos na lang ako sa aking mukha bago dahan dahang tumayo dala ang aking bag pati na rin ang aking answer sheet.



"Eto na po. Sorry uli." Magalang kong saad ngunit as usual, inismidan nya lang ako bago marahang kinuha ang papel ko.



I decided na lumabas na katulad nang sinabi ni prof. Well, eto na rin kasi ang ang last subject ko for today which is good.




Napatingin ako sa hallway, kakaunti pa lang naman ang students dahil wala pa namang dismissal time. Hayst, ano na gagawin ko nyan ngayon?




Napakunot-noo ako nang magring na namang muli ang aking cellphone. Sino kaya to? Ganon ba ka-urgent yon kaya nakailang tawag sya sa akin ha?



Hindi naka-register sa akin ang number kaya hindi ko malaman kung sino. Ugh. Hindi ko tuloy mapigilang mainis nang maalala ang eksena kanina.



I heaved a sigh bago pinindot ang answer button.


"Hello."



[Finally you make answer na!] Sa boses at tono pa lang ng boses ay kilalang kilala ko na.




Napaface-palm ako ng wala sa oras."Anong kailangan mo demonyitang transgender?"




[What the hell! How dare you sabi that to me?!] Bakit naiimagine ko na ngayon na magkasalubong ang dalawa nyang kilay hahaha.




Dealing with Allyson GothamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon