[8]Okay, Deal

22.1K 934 144
                                    

Avril's PoV:

Agad kong pinatay ang engine when I reached my place. "Hey, we're here na." I said sa kasama ko ngayon. Ilang minuto pa ang nakalipas pero wala akong narinig na sagot mula sa kanya.

Napakunot-noo naman ako. I heaved a sigh and decided to check on her sa back seat. Yup, andoon sya. Doon nya gusto eh, pinabayaan ko na lang kahit nagmumukha na akong driver nya.

"Knock-out na pala ang isang ito." I whispered. She's already sleeping. I glanced at her and scanned her features. Hmm, not bad. I can't deny na maganda nga talaga sya. Kaya siguro maraming nagkakagusto sa babaeng ito. She looks like an angel. Syempre, mapag tulog. Pero ibang-iba kapag gising na.

Napailing na lang ako sa kawalan. I composed myself. Nagdadalawang-isip ako kung gigisingin ko ba sya o hindi.

Hmm. Mabait naman ako. So in the end, I wake her up.

"Hey, Allyson. Gising. We're here already." I said at mahinang tinapik-tapik ang kanyang pisngi. Infairness, ang soft ng cheeks nya ha. Ang sarap panggigilan.

Minutes later, hindi pa rin sya nagigising. Nako, masasampal ko na ang isang 'to. Chos.

I heaved a sigh. I didn't know na she's a heavy sleeper pala. Or maybe, she's just too drunk.

I decided to give it a try at muling tinapik-tapik ang kanyang pisngi.

"Hmm... Axle?" Ang unang-una nyang tanong nang magmulat ang kanyang mata. Napatawa naman ako bigla. Do I look like him ba? Kung ako 'yon, edi kami sana ngayon ni Julie.

"Nope, I'm not him. I'm Avril." I said to her. Parang bumalik ang kanyang ulirat at napagtantong ako nga ang nandito sa harapan nya.

"Oh, I'm mali. You're martyr pala." Napasimangot naman ako bigla. Aba't! Sabing ako nga si Avril eh. Tsk. I decided to let this pass for now. She's drunk.

"Why you make gising to me ba?" Naiinis nitong tanong sa akin. I rolled my eyes to her. Wala lang, trip ko lang.

"Nandito na tayo. Let's go." I said bago lumabas. I glanced at her at nakitang hindi pa rin sya lumalabas. Napakunot- noo naman ako. What's wrong with her?

Suddenly, something crossed in my mind. I heaved a sigh at pinagbuksan sya ng pinto. Malawak syang napangiti bago tuluyang lumabas.

Ito lang pala ang gusto nya. Tss.

Nagsimula akong maglakad. Syempre, hindi ko na sya inantay pa. I want to sleep na rin kasi. Atsaka, sya 'tong nagpumilit na sumama sa akin.

Hindi pa ako nakakalayo when I heard she called me.

"Hey, Martyr!" Automatic na nagsalubong ang dalawang kilay ko sa tinawag nya sa akin. Talagang cinareer ha.

"What do you want?"

"You're not gonna make tulong ba? Like, alalay to me?" I groaned. Argh, really? Kailangan pa ba 'yon? Napailing na lang ako sa kawalan bago muling naglakad papalapit sa kanya.

Hindi na ako nagsalita pa. I placed her arms on my shoulder while I encircled mine on her waist. Hindi ko na pinansin pa ang weird na nararamdaman ko ngayon. I really need to sleep.

"Okay na ba?" I asked her but she just pouted at umiling sa akin. Ano pa bang gusto nya? Hayst, ang babaeng 'to talaga. Napakadaming arte sa katawan.

"Carry me just like what you did last time." Saad nya.

"Hoy, hindi mo ako alalay para utu---"

"Please." And just by that, I stopped. Pangalawang beses ko nang marinig ang word na 'yan for this day. Hindi talaga ako makapaniwala na nagsasabi sya ng ganyan. There's something on me na hindi makahindi sa kanya. I don't know why.

Dealing with Allyson GothamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon