[27] Deal No More

19.3K 904 213
                                    

Avril's PoV:




Katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Ramdam na ramdam kong matamang nakatitig lang sa akin si Allyson at alam kong nagulat sya.




Well pati rin naman ako ay nagulat sa sinabi ko eh. Natuptop ko bigla ang aking bibig. Hay nako. Kung ano-ano kaseng lumalabas eh.




Ang bilis ng kabog ng puso ko ngayon sa totoo lang. Did I just confessed to her?




Isip Avril! Isip ka ng palusot mo. Hindi pwede yung ganon.





"A-Ano... Joke lang! It's a prank!" I said at pinasaya pa ang aking boses. Dahan dahan kong sinalubong ang kanyang tingin. Hindi ko maiwasang kabahan.




Mukha atang hindi sya tinalaban non ah.




"What the hell! Anong joke at prank lang?!" She exclaimed. Magkasalubong na naman muli ang dalawa nyang kilay. Clearly, hindi nya nagustuhan ang sinabi ko.





Go Avril. Kering keri mo yan.





"April Fools!" Nauutal kong saad. Gusto kong tampalin bigla ang aking sarili hayst.




"Duh ang layo layo pa ng April kaya wag mo kong maprank prank dyan ha." Nako po. Medyo sablay ako don ah. Napakamot na lang ako sa aking ulo. Hay nako.



"Argh! Don ka na nga! Magsama kayong dalawa ng bestfriend mo!" She exclaimed at marahang umalis sa pagkakahawak ko sa kanya.




Oh my. Mukha atang hindi ko nadala si Allyson sa ganon ah. Mag-isip ka pa uli Avril ng iba pang ways.




Naputol ang pag-iisip ko nang makitang nagsimulang maglakad si Allyson papalayo. I didn't think twice and held her wrist.



"Ano ba! Stop touching me nga." At pilit na inaalis ang pagkakahawak ko sa kanya but I stay still.





Minutes later, tumigil na rin sya sa pagpipilit na umalis sa akin. Dahan dahan kong iniangat ang aking kamay at pinadausdos sa kanyang pisngi.





Mukhang nakikiayon ang paligid sa kanya. Humangin nang bahagya at tinangay ang iilang hibla ng kayang buhok. Mga eksenang akala ko sa pelikula lang makikita.





I can't deny that she's really beautiful. Parang Devil in Disguise hahahaha. Kaya nga siguro ang daming nagkakagusto sa kanya sa University.



Napakaconyo nga lang hayst.



I composed myself first. Gosh. Relax Avril. Si Allyson lang yan. Wag kang kabahan sa kanya.




"Pwede bang maging true couple tayo? Just for this trip?" I asked her while directly looking into her eyes. "Wag na muna nating isipin yung deal."




Matamang tinitignan nya lang ako na para bang sinusuri kung seryoso ba ang sinasabi ko.



I hope mag-agree sya.




Suddenly, I heard she heaved a sigh.




"Okay fine. Let's enjoy this trip together as a real couple 'mkay?"



Automatic na napangiti ako at masayang tumango.



Naramdaman ko bigla ang sayang hindi ko maipaliwanag. Pati na rin ang pagbilis ng kabog ng puso ko. I really wonder kung ano to.




"C'mmon took a picture of me. My outfit is so sayang naman diba." She said suddenly. Napailing na lang ako sa kawalan. Kahit kelan talaga oh hahaha...



Dealing with Allyson GothamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon