Twenty-third Dive

250 14 0
                                    

Meriedeth Salazar

Kinabukasan ay maaga akong umalis ng bahay, ayokong makita ni Kuya ang mata ko, he will overreact. Baka dalhin ako nun sa hospital. Tss. Sinabayan ako ni Aunty Rebecca kumain kanina ng almusal.

Medyo namumugto pa ang mata ko, nakakaantok naman. Pagdating ko sa classroom ay naabutan ko si Eryx na nagbabasa ng libro. Wala pa ang iba naming kaklase.

"Morning, Salazar," bati niya.

"Hmmm, morning, Fuentabella," inilapag ko na ang bag ko at umupo.

"Ayos ka lang ba?"

Napalingon ako sakanya.

"Bakit?" napakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.

"Namumugto mata mo. Did something happened last night?" isinirado niya ang libro at umayos ng upo.

"Wala, may naaalala lang ako kagabi."

"Good morning, Salazar!" bati ni Shelanie. "Hey, ayos ka lang ba?!" nag-aalala niyang tanong nang magtama ang paningin namin.

"I'm fine, Shelanie."

"Your eyes, umiyak ka ba?" bulong niya.

"Kind of. Wag kang mag-alala, I'm fine."

"Good Morning, Guys! May pasalubong ako sa inyo!" bati ni Rovic sa amin habang dala ang isang paper bag.

Napakunot ang noo ko, akala mo kung saan na bansa siya galing.

"Morning, Dude. Anong dala mo?" tanong ni Eryx.

"Well, alam niyo naman si Mama, mahilig magbake. Dessert natin later!" proud niyang sabi.

"Oh, cupcakes? Anong binake ni Tita?"

"Brownies."

Nagtama ang tingin namin, he greeted me and asked how I have been. Bakit ba nila ako tinatanong kung ayos lang ba ako? Tss.

"I'm fine. Bakit niyo ba tinatanong? The three of you asked me the same questions. Tsk."

"Concern kami sa'yo, Salazar," napatingin ako kay Shelanie. "K-Kung may problema ka, handa akong makinig."

"I'm all ears, Salazar. I can give you some advice if you want," napalingon ako kay Eryx and he smiled.

"Nandito kami para sa'yo, Shark girl," sabi ni Rovic.

"Hmmm. Thanks."

Ipinasok ko ang kamay ko sa bulsa ng palda ko, nanlaki mata ko at napatayo. Wala ang headphones ko doon!

"Something wrong, Salazar?" tanong ni Shelanie.

"Teka lang," I answered her as I checked the pockets of my jacket, wala!

Kinuha ko bag ko at tiningnan ang mga bulsa. Napapikit ako ng hindi ko makita headphones ko doon.

"May nakalimutan ka, Salazar?" tanong ni Eryx.

Tiningnan ko siya at tumango.

"I accidentally left my headphones," napabuntong hininga ako at umupo.

Kaya pala pakiramdam ko may mali habang papunta ako dito sa school. Fuck. I left it at home. Argh.

Dumating na teacher namin at nagsimula na ang klase. In between changing subjects, minsan maaga umaalis last subject namin kaya we have a few minutes to chill before the next subject.

Hindi ako mapakali, gusto ko makinig ng kanta. Kailan ba huli nangyari sa akin ang ganito? Hays.

Nagkukuwentuhan lang silang tatlo at rinig na rinig ko pinag-uusapan nila kahit ayokong makinig. I mean, I could still hear them even if I listen to music through my headphones pero, iba yung ngayon. I can't listen to music, I left my headphones at home.

Dive #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon