Meriedeth Salazar
Napahawak ako sa lababo. Medyo nahihilo ako, don't tell me I'm sick. Fuck. Agad akong naligo, nakahawak ako sa pader habang dumadaloy ang tubig mula sa shower.
Wala akong sakit. I'm fine, inaantok lang ako kanina.
Yes, inaantok lang ako.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Gising na rin sila Melanie. I'm wearing my swimwear at pinatungan ko ng jogging pants and tshirt. Gusto ko magjacket pero wala, naiwan ko e. Chineck ko cellphone ko.
From: Kuya Marcus.
Deth, baka malate kami, what time laro mo?To: Kuya Marcus.
Can you bring my jacket? Kahit ano basta jacket. 8am laro namin.Bumaba na kami para magbreakfast. Pumunta na kami sa restaurant at umorder na ng pagkain. I just ordered a sandwich and milk.
"Salazar, hindi ka kakain ng rice?" tanong ni Eryx at napalingon sila sa akin.
"Shark girl, kumain ka ng rice, pampadagdag ng energy," sabay taas ng kilay. "You know, go foods."
"Wala nga akong gana. Wag niyo nga akong pilitin," inis kong sabi.
He blinked, then nodded. Nag-uusap lang sila tungkol sa game mamaya, we all wished each other goodluck. Naglakad na kami patungo sa venue. I rubbed my palms to each at idinikit sa pisngi ko, pampawala ng lamig.
"Medyo namumutla ka," bulong ni Eryx.
"I'm fine, Eryx."
"Sure?"
"Tss."
"Sorry."
Pagdating namin sa venue ay marami na ang tao na nandoon. Nagpahinga muna kami sa bleachers. Nagpaalam ako sakanila na bibili ako ng fresh milk sa baba.
"Meriedethhhhh!" at may yumakap sa akin.
"Carrie?" napatingin ako sa likuran niya.
Nandito kami sa may vending machine. Kasama niya sila Veronica at Aileery.
"Goodluck mamaya," sabi ni Aileery.
"Hey, namumutla ka," sabi ni Veronica. "Kinakabahan ka ba?"
"Kind of. Manonood kayo? Wala ba kayong klase ngayon?"
Its wednesday today, for sure may klase silang tatlo.
"Oh, we ditch class just to cheer you. Duh," sagot ni Veronica at inirapan ako.
"Iinom mo nalang 'yan ng gatas. By the way, saan kayo uupo? Pwede bang doon nalang kami?" tanong ni Carrie.
"Hindi magagalit schoolmates niyo?" tanong ko.
"Duh, wala silang magagawa. We're to cheer for you guys," sabi naman ni Veronica.
Pumunta na kami sa bleachers, nagulat pa sila Wesley dahil kasama ko sila.
"Their here to cheer for us, ayos lang ba na dito sila uupo?" tanong ko.
"Of course! I'm Melanie Navarro, vice-president of the EEHS swimming club," pakilala ni Melanie. "Dito na kayo umupo," sabay turo sa bakanteng upuan.
Ipinakilala rin ni Melanie sina Wesley. I also introduce Carrie and the others to them, mukhang magkakasundo silang lahat.
"Umupo ka nga," sabi ni Veronica sa akin.
Umupo ako sa tabi niya habang umiinom ng gatas. Pinagitnaan ako nila Aileery. Nasa babang bleachers sila Shelanie at nagprapractice sila para sa cheer mamaya.
![](https://img.wattpad.com/cover/246420523-288-k580517.jpg)
BINABASA MO ANG
Dive #Wattys2021
Teen FictionMeriedeth Salazar, a teenage girl who believes that it's better to distance herself from everyone and does not want to get involve with the water ever again since an accident that happened in the past. She swears that she'll never swim again. But...