Tenth Dive

292 14 0
                                    

Merideth Salazar

"Sigurado ka bang ayaw mong pumasok?"

"Kuya, masama pakiramdam ko. Tsaka, intramurals lang naman."

"Hindi ka ba bibisitahin ng mga kaibigan mo?"

"Busy sila."

"Anyways, magluto ka ng pagkain kung gusto mo. Magtext ka kung lalabas ka. Okay?"

"Opo."

I heard the door shut. Nagpatuloy ako sa pagkain. It's the fourth day of our Intramurals, at pang-apat na araw kong absent.

Bilis kong tinapos ang pagkain ko at hinugasan ang mga pinagkainan at ginamit sa pagluto. Nilock ko ang pinto pati mga bintana at tumuloy na sa kwarto ko.

Inayos ko kama ko at nagtalukbong ng kumot. Wala naman akong gagawin, I'll just read something online, biglang may nagpop up sa gilid sa screen ng phone ko.

Messenger, hindi ko alam kung sino. Agad kong tinanggal iyon at nagpatuloy sa pagbasa. Ilang saglit ay bumalik ulit, tinanggal ko na naman.

E deactivate ko kaya account ko? Nakakainis kasi, sino ba 'tong nagmemessage.

Shela Navarro
Rovic Fajardo
Eryx Fuentabella

Tss.

Deactivate account

Agad kong pinindot iyon. Huminga ako ng malalim at pumikit. Ang kukulit ng tatlong 'yon, parang iisa lang ang braincells nila.

I sighed, I can still remember everything that happened. Pagkatapos ng event na 'yon, I was dumbfounded because of the results.

Ayokong manalo.

Ayokong lumangoy ulit!

Ayoko!

Agad akong umalis sa venue, nagpalit ako ng damit at mabilis na umuwi. Mabuti nalang at hindi nila ako hinabol. Biglang tumawag si Kuya Marcus.

"Yes, Kuya?"

"Prepare lunch."

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, sinulyapan ko ang wall clock na nandito sa sala namin. It's 10am, uuwi siya?

"Bakit, po? Uuwi ka?"

"Yes. Damihan mo rin ang rice."

"Gutom kayo, Kuya?" I heard him laughed.

"May gusto ka bang kainin? Doughnuts?"

Ang weird talaga ni Kuya. Ano bang meron?

Tapos na birthday ko, malayo pa birthday niya, malayo rin birthday nila Mama at Papa.

"Ano bang meron?"

"Nothing. Can't I have lunch with my sister?"

"Ewan ko sa'yo, Kuya. Magsasaing na ako."

I ended the call. Gaya ng sabi ni Kuya, dinamihan ko ang rice. Hindi talaga mawawala sa isipan ko ang sinabi niya. Ano bang meron?

Parang gusto kong magluto ng french fries, tiningnan ko ang refrigerator. Maraming stock si Kuya. Hmmm.

Ay, ubos na ang mantika.

Kinuha ko hoodie ko na nakasabit sa likod ng pintuan at lumabas ng bahay. May pera naman ako sa bulsa. Agad akong naglakad papunta sa tindahan.

Ang init sa labas. Tss.

Inayos ko ang hood ko. Pagdating ko sa tindahan ay agad akong bumili ng mantika at umuwi.

Dive #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon