Rovic Estevan Fajardo
"Kuya, tawag ka ni Papa sa baba," sabi ni Raelynn, nakakabata kong kapatid. She's still in elementary, grade 5.
"What is the meaning of this, Rovic Estevan?!" bungad ni Papa pagkababa ko, hawak niya ang report card ko.
Talagang may grade akong lucky 7, tatlong subjects. Lucky. Sobrang lucky. Wow.
"Ano bang pinagkaabalahan mo sa school at ganito ang grades mo?! Science 74! Math 73! History 72! What are you doing?!"
"Papa, wag niyo naman po sigawan si Kuya Rovic," sabi ni Raelynn kay Papa.
"No! Your brother should wake up!"
"You could talk to him calmly, Papa."
"Paano ako kakalma, Raelynn? He got a line of seven!"
"Babawi naman si Kuya sa susunod na quarter," tiningnan ako ni Raelynn. "Diba, Kuya?"
"Hmmm."
"What happened here?" napalingon kami sa may pinto.
Tamang timing, dumating sila ng anak niya. Sana hindi siya sumali—
"Did Rovic get into trouble again?" tanong ni Tita—Maurien Helena, ang pangalawang asawa ni Papa. Tss.
"May line of seven siya! Ewan ko kung anong pinagkaabalahan ng batang 'yan!" sabi ni Papa at pumunta sa kusina.
"His probably busy swimming," sabi ng anak ni Maurien na si Monique Helena.
Sumbungera talaga ng babaeng 'to.
"Swimming?" naguguluhan na tanong ni Maurien.
I don't want to call her Tita or Mama. I have only one mom and that's Reynara Fajardo.
"Tss. I told you to quit that stupid club!" sabi ni Papa.
"The swimming club is not stupid."
"Anong sabi mo?" kinuwelyuhan ako ni Papa.
"Kuya," natatakot na sabi ni Raelynn habang hawak ang likod na bahagi sa damit ko. "Papa, bitiwan niyo po si Kuya, please."
"Go to your room, Raelynn," utos ni Papa.
"Bitiwan—"
"I said go to your room," malamig na sabi ni Papa. Umiling lang si Raelynn.
"Rae, sige na," bulong ko sakanya pero hindi siya nakinig.
Napaatras ako ng binitawan ako ni Papa. Napailing siya at umupo sa sofa. Aalis na sana ako ng nagsalita si Papa.
"You're grounded for two weeks, Rovic Estevan. And quit that stupid swimming club."
"Pa, you can't decide what I want to do."
"Ang tigas na talaga ng ulo mong bata ka."
Tumalikod ako at pumunta sa kwarto ko. I heard him called me pero hindi ako nakinig. Pumasok ako sa kwarto, hinila ko ang bag ko na nasa itaas ng cabinet ko. Inilock ko muna ang pinto.
Baka may biglang papasok. Tsk. Nakakapagod na talaga sa bahay na 'to. Yung bagong asawa ni Papa at anak niya ay naghahasik ng lagim, mga sipsip.
Inayos ko mga damit ko. One week at regionals na. Ready na ang damit ko, pwede naman ako maglaba sa building ng club. Kakausapin ko lang si Kuya Wesley tungkol doon, papayag naman 'yon.
BINABASA MO ANG
Dive #Wattys2021
أدب المراهقينMeriedeth Salazar, a teenage girl who believes that it's better to distance herself from everyone and does not want to get involve with the water ever again since an accident that happened in the past. She swears that she'll never swim again. But...