Meriedeth Salazar
"Wala ka bang plano na pumasyal, huh, Meriedeth?"
Sinulyapan ko si Kuya Marcus na nakatayo sa may pinto. Umiling lang ako, saan naman ako pupunta? Sa bayan? Nakakapagod kaya, ano naman gagawin ko doon.
"Nga pala, doon tayo kakain ngayong gabi sa bahay ni Lola kasi umuwi ibang aunty and uncles natin."
"Pwede bang dito nalang ako?" tanong ko sabay bangon.
"Deth, I want you to be comfortable pero hindi kita hahayaang mag-isa dito. Noche buena na mamaya at mag-isa ka lang dito. Alam mo naman na uuwi sila Manang everyday."
"Tss. Fine. Don't expect me to socialize later."
He just nodded and closed the door. Ilang araw na ba lumipas mula ng dumating kami dito? Dito rin kami magbabagong taon sabi ni Kuya Marcus. Mabuti nalang nang dumating kami dito ay hinatid lang namin si Marjorie sa bahay nila. Well, kumain kami ng dinner sa bahay nila Lola last week at wala sila Marjorie o ang ibang pinsan namin.
I'm just reading something online or watch movies. Kung wala nang ibang magawa, matutulog. Nagchachat naman sila sa gc, binabasa ko lang chats nila pero hindi ako nagrereply.
Anong oras ba ngayon?
2:04pm
Nagbihis ako at bumaba. Gusto kong lumanghap ng fresh air. Naabutan ko si Kuya na may kausap sa celephone niya sa baba.
"Where are you going?" tanong niya.
"May titingnan lang ako sa labas."
"Be back before 5pm. Hihintayin kita dito, sabay tayong pumunta kina Lola."
Tumango lang ako, lalabas na sana ako ng pinto nang magsalita pa si Kuya.
"Mom's on the line, gusto ka niyang makausap."
"May lakad pa ako, Kuya."
"Meriede—"
Tumakbo ako palabas, hinila ko ang bike ko at nagmaneho na palayo. Saan ba ako pupunta? Nakikinig ako ng kanta mula sa earphones ko, mahina lang ito para marinig ko pa rin ang mga nasa paligid. Tumigil ako sa may dagat, low-tide ngayon.
I took a picture and post it on facebook at nagmaneho na palayo. Saan ba ako pupunta? Malaki naman probinsiya namin and I did not explore it yet, may mga tourist spots dito. Tss.
Pumunta ako sa bakery sa bayan, nung inutusan ako ni Kuya Marcus. Bumili ako ng tinapay at kinain 'yon. Pagkatapos ay naglibot-libot ako sa bayan.
Pumunta ako sa kabilang direksyon, if our house are located at the right side. Pumunta ako sa kaliwang parte ng bayan, hindi pa ako nakakapunta doon, e.
Hmmm, ang daming mga punong kahoy dito. I took a picture of the scenery. Napakunot noo ko dahil may mga messages doon from Shelanie and Eryx, they replied my myday.
Shelanie: Umuwi ka pala sa probinsiya niyo, Salazar?
Eryx: Ingat ka diyan.
I typed a reply at nagpatuloy sa pagmaneho ng bisekleta. Medyo nakakapagod but it's kind of a little bit relaxing. Minsan ko lang naman 'to ginagawa. Uuwi na ako, medyo inaantok ako.
Habang nagmamaneho ako ng bike ko ay may nakita akong mga bata na binabato nila ang aso. Nanlaki mata ko dahil nagtakbuhan sila, tiningnan ko ang mirror na nakalagay sa manebela ng bike ko. Nakakatakot ang aso—
"Fuck!"
I pedalled my bike faster! Hinahabol ako ng mga aso, bullshit naman, oh!
Kung kailan ako lumabas ng bahay ganito pa nangyayari. Fuck it.
BINABASA MO ANG
Dive #Wattys2021
Fiksi RemajaMeriedeth Salazar, a teenage girl who believes that it's better to distance herself from everyone and does not want to get involve with the water ever again since an accident that happened in the past. She swears that she'll never swim again. But...