Meriedeth Salazar
"Alright, since we are here today at the amusement park, I ask you to behave and hindi tayo maghiwa-hiwalay," sabi ni Miss Morales ss amin.
Nandito kami ngayon sa may entrance ng amusement park. Nakikita ko ang mga rides nila rito mula sa entrance, may roller coaster, ferris wheel, at kung ano pa. I can hear people shouting and music from the inside.
May mga instructions pa na sinabi si Miss Morales, bago kami pumasok ay nagpicture taking muna kami sa entrance.
"Ayaw mo talagang sumama, 'no?" napalingon ako kay Eryx.
Sinasabayan niya ako sa paglakad. Nasa huli kaming bahagi ng groupo. I can hear the triplets suggesting what to ride first.
"Mas gusto ko pang matulog sa hotel room. Bakit ba kasi kailangan ko pang sumama?"
I heard him chuckled, tinaasan ko siya ng kilay at tinapik ang ulo ko.
"Everybody wants to come here. Ang saya kaya rito sa amusement park."
"Ano naman ang masaya kung mapapagod ka rin pagkatapos sumakay sa mga rides, huh? Duh."
"Alam mo, sa lahat ng kilala ko, ikaw ang pinaka pagod na tao na nakilala ko. Hindi mo pa nga sinubukan gawin pagod ka na."
"I don't want to waste energy sa mga bagay na nakakapagod, Fuentabella."
"But, you're willing to use your energy when swimming, right?"
Napalingon ako sakanya, medyo may point sinabi niya. Tumango ako at ngumiti siya.
"Hindi ka ba naiinitan sa suot mo ngayon? You're wearing longsleeves."
Napatingin ako sa suot ko. I'm wearing a white longsleeve and black shorts, suot ko rin ang rubber shoes ko na kulay itim. Nasa bulsa ko ang wallet at phone ko, dala ko rin ang headphone ni Eryx.
"Hindi."
"Well, nagjajacket ka nga kahit klase."
"I'm used to it, gusto ko pa nga magjacket ngayon."
"Seriously? Ang init ng panahon."
"Tss."
"Eryx! Meriedeth!" napalingon kami sa tumawag sa amin, si Melanie.
Napatakbo kami papunta sakanila. Nakalinya kami ngayon sa merry go round. Pangbata 'to! Bakit?!
"Hihintayi—"
"No, no, no, tayong lahat ay sasakay! Guys, bantayan niyo si Meriedeth, ah. Kailangan masakyan niya lahat ng rides na sasakyan natin!" annunsyo ni Melanie sa buong groupo.
"Ayoko sumakay diyan," sabi ko at ngitian niya lang ako.
"Riding a merry go round would not hurt much, right?" tanong ni Eryx at tinapik balikat ko.
Napairap nalang ako, sumakay kami sa merry go round at tuwang-tuwa naman ang triplets, pati si Rovic. Parang siya ang leader ng tatlo kasi pagkatapos namin doon kahit anong rides na suggestion niya iyon kaagad ang sinasabi ng triplets na sakyan namin.
Napahinga ako ng malalim nang makaupo na kami sa isang table. May restaurant dito, we're going to eat lunch right now. Itinali ko ang buhok ko, medyo naiinitan ako.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Eryx sa akin.
"Hindi ka ba napagod?"
"Uy, may bump cars akong nakita kanina," napalingon ako kay Jazrill.
Please, wag doon—
"Sige doon next destination natin," sabi naman ni Melanie habang nakatingin sa map na dala niya.
BINABASA MO ANG
Dive #Wattys2021
Fiksi RemajaMeriedeth Salazar, a teenage girl who believes that it's better to distance herself from everyone and does not want to get involve with the water ever again since an accident that happened in the past. She swears that she'll never swim again. But...